“Hindi ko matandaan kung san ko nilagay yung
celphone… hainaku!” Ang pabulol-bulol na wika ni Ayessa. Nakahiga siya, lango
sa alak. Ako naman ay walang tigil sa pagsubo ng tagsampumpisong ispageting
nabili pa sa kanto. “alam mo ba? Malaki-laki ang kinita ko ngayon… ipaayos
natin itong kuwarto mo!” Ang aya niya habang nakayakap nang marahan sa akin.
Nakapalibot ang kamay sa aking leeg, habang ako ay tuloy pa rin sa pagkain ng
ispageti.
Alas-singko
na pala ng umaga. Kararating niya lang galing sa trabaho. Nagtatrabaho siya sa
East Asia KTV. Gisingin moko maya-maya ha. Para ipaayos na natin tong kuwarto
mo.” Ang huling nasambit niya saka dumiretso sa pagtulog. Katatapos ko lamang
na ubusin ang ispageting walang gatol kong inupakan. Pinagmasdan ko si Ayessa.
Ex-girlfriend ko siya, at girlfriend naman ng bestfriend kong si Nikolas. Wala
si Nikolas, pinauwi na naman sa probinsiya ng mga magulang niya. Hindi pa naman
sila seryosong magsiyota, ako lang ang nagpumilit sa kanila na maging sila.
Pinagmasdan
ko siya mula ulo hanggang paa, sa sobrang kalasingan ni hindi na niya natanggal
ang high heels na suot niya. Nakataas na ang miniskirt niyang maong, litaw na
ang panty niyang puti.
Pinatay
ko ang ilaw. Tumabi sa kanya sa paghiga gaya nang nakasanayan namin. Nang bigla
niya akong yakapin. Nakatapat ang dibdib niya sa mukha ko. Ewan pero me kuryenteng dumaloy. Inabot ko
ang kanyang labi. Hinalikan, kinuyumos, hanggang sa lumalaban na siya nang
laplapan. Mabilis ang mga pangyayari. Itinaas ko ang pang-itaas niyang damit, tinanggal
ang bra, sinisid ang matayog niyang kabundukan.
Hinatak
niyang pahubad ang t-shirt ko. Nagmadali akong nagtanggal ng sinturon,
shorts at brief. Ibinaba niya ang panty niya at bumukaka… “Fau…” ang kanyang
nasambit.
Niyakap niya ako. Sinimulan ko na ang
pagpapakasasa sa kanyang alindog. Pareho kaming pinagpapawisan habang inaabot
ang paraiso, ang rurok ng kaligayahan. Nakapikit siya, samantalang ako ay titig
na titig sa kanyang mga mata. “Fau, ikaw pa rin ang mahal ko…. Ohhhhh!” Ang
naiwika niya habang pinagsasaluhan namin ang kaligayahan.
Umaga na, kaya matapos ang labanan. Bumili ako ng
sopas. Napagod ako, kinakailangan ko ng mainit na sabaw. Matagal-tagal na rin
mula noong huli naming pagniniig. Makalipas ang ilang oras, nagising siya.
Nagtataka. “anong nangyari? Inano moko? Bakit wala akong panty?” Ang
sunud-sunod niyang tanong. “hindi kita maintindihan… hindi mo ba natatandaan?”
Ang takang-wika ko sa kaniya. “may nangyari satin? Ni-rape moko FAU!” Ang
gulantang niyang wika. “Ungas! Anong ni-rape? Ok ka lang? Teka teka! Hindi ko
maintindihan, kanina tinatawag mo pa ang pangalan ko ah!” Ang wika ko. “Talaga?
Nakupo, naku, pano nato pag nalaman ni Nikolas?” Ang wika niya. Bigla akong
nagising sa katotihanan, paano nga ba? Paano pag nalaman ng matalik kong kaibigang si Nikolas? Hindi ako
nag-panic. “Hindi niya malalaman, hindi ko sasabihin, hindi mo rin sasabihin,
ililihim natin ito… patawad!” Ang wika ko naman sa kaniya.
Nagsimula
na ang kakaibang pakiramdaman. Naiilang kaming pareho kapag nasa harapan kami
ni Nikolas. Madalas eh tahimik, tanging si Nikolas ang nagsasalita. Alam kong
nakakahalata si Nikolas.
“May problema ba?” Ang wika ni Nikolas. Marahan
akong lumabas ng kuwarto. Nagkatinginan pa kami ni Ayessa. Nagsindi ako ng
yosi. Pampawala ng nerbiyos. Kumalampag sa loob ng kuwarto. Dagli akong
pumasok, naabutan ko si Nikolas, sinusuntok ang sementong pader, habang
nagmamadali ang mga luha galing sa magkabilang mata. “Bakit?” Ang wika niya.
Niyakap ako ng matalik kong kaibigan, habang sinusuntok ang pader.
“pinagkatiwalaan ko kayo, hindi ko akalaing magagwa niyo sakin ito!” Ang wika
ni Nikolas, habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
Nagkatitigan kami ni Ayessa. “Sinabi mo?” Ang
tanong ko sa kanya. “Hindi… pero alam na niya, halatang-halata daw eh!” Ang
wika ni Ayessa. “sinabi mo. Hindi niya malalaman kung hindi mo sinabi!” Ang
wika ko. Patuloy siya sa pagtanggi. Nagwalk-out si Ayessa. Naiwan kaming dalawa
ni Nikolas.
“Best bakit?” Ang tampong wika niya. Hindi ako makapagsalita. Guilty ako sa mga
nangyari. “sori, hindi namin sinasadya ang mga nangyari, patawarin moko!” Ang
wika ko. “akala ko ba akin na siya? Akala ko ba wala ka nang nararamdaman sa
kaniya!” Ang galit na wika niya. “gumanti ka, sapakin moko! Tadyakan moko!
Saktan moko! Magpakalalaki ka!” Ang wika ko sa kanya.
Hindi
niya ako nagawang saktan. Pero
mas naramdaman ko ang pagkakamali ko. Hindi na niya ako kinausap pa pagkatapos
nun. Inilayo na rin niya ng lubusan si Ayessa. Hindi ko siya masisisi. Lalo
pang yumabong ang kanilang pagmamahalan. Nagkaroon ng mga anak.
Makalipas
ang dalawa o tatlong taon. Muling naayos ang lahat. Pero may ilang nang
nadarama ang bawat isa. Hindi na kami matatalik na magkakaibigan, kundi mga
simpleng magkakakilala na lamang. Pormal na ang mga usapan, wala na halos
biruan.
Nagkaroon sila ng tampuhan, pagka-iresponsable
ang dahilan. Ilang ulit nang nagbigay si Ayessa, pero hindi nagbago si Nikolas,
ugaling-binata pa rin siya. Nagwakas ang lahat. Dumating si Ayessa, at
nakipaghiwalay na sa kanya. Nagsimula na ang lahat. Hindi na naman kami
nagbatian ni Nikolas, madalas na katext ko si Ayessa. Masakit na raw magsalita
si Nikolas.
“Buti naman wala siyang sinasabing masama sakin?”Ang tanong ko sa text. “Anong wala…
sabi niya hanggang ngayon daw eh may gusto ka pa rin daw sakin!” Ang sagot ni
Ayessa. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Kilalang-kilala pa rin ako ni
Nikolas. Tinulungan kong makalipat si Ayessa kasama ang mga anak. Magsisimula
raw sya ng panibagong buhay, at welcome ako doon.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit kinakailangang i-welcome niya
ulit ako sa panibagong buhay na tatahakin niya. Nabuhay ang dati naming
pangarap. Nais niyang magtrabaho kaming lahat, kasama ang kapatid niya. At
titira kaming lahat sa iisang bahay. Pangarap namin yon… NOON! Pero isa lamang ang
naiba, kulang na kami ng isa.
Wakas.