EPILOGUE
Sinunod nila ang hiling ni Severino. Inasikaso nila ang mga kinakailangang papeles para maikasal sila sa simbahan. Nag-hire ng isang wedding choreographer si Dhar para matutukan ng husto ang mga kinakailangan sa selebrasyon, kasama na ang mga imbitasyon, dekorasyon at ang mga isusuot ng mga secondary sponsors.
Wala pang isang buwan ay dumating ang araw ng kanilang kasal. Napakaganda ng ipinatahi ni Severino na isusuot niya sa okasyon na iyon. Isang sikat na designer raw ang gumawa nun.
Taliwas sa kanyang inasahan, napakainit ng pagtanggap sa kanya ng mga kaanak ni Severino. Masayang-masaya ang mga ito na nakikipagkamay sa kanilang mag-asawa. Iilan nga lang ang mga dumalo mula sa kanyang angkan dahil nahihiya raw ang mga ito. Muling dumalo ang ninong at ninang nilang sina Lambert at Maritess, ang ilang mga dati niyang kapitbahay at kasamahan ni Dhar na gumawa ng building, at marami ang mga katrabaho nila, kasama na si Esther.
Hatinggabi na nang natapos ang selebrasyon sa hotel. Hindi sila doon nagpalipas ng gabi. Pinili pa rin nilang umuwi sa bago nilang tahanan. Sa susunod na araw ay naka-schedule ang flight nila papuntang
Rome para sa kanilang honeymoon. Regalo iyon ni Severino sa kanila.
“How does it feel to get married twice?” tanong ni Dhar sa kanya pagdating nila sa kanilang bahay. Naroon sila sa balcony at yakap-yakap siya nito mula sa likuran. Sa mga ngiti at tawa nila ay mailalarawan ang labis nilang kasiyahan.
“I don’t know,” sagot niya na parang nangangarap ang mga mata. “But it feels good na… sa wakas open na sa lahat na mag-asawa tayo.”
Tumawa si Dhar at hinalikan siya sa pisngi. “Kailan ba naging sikreto?”
“Ikaw naman ang naglihim diyan eh.”
Muling tumawa si Dhar. “Hindi naman. Actually, nakaplano na ang church wedding natin
noon eh, kaya ko binebenta yung condo unit para lumipat na tayo dito, pero iniwan mo naman ako.”
Hinarap niya ang asawa at masuyong niyakap. Halata pa rin ang pagtatampo nito. “Sorry talaga, akala ko kasi binebenta mo yung condo kasi walang-wala ka na. Nakonsensya lang ako masyado.”
Ngumiti si Dhar. “Kahit naman maging karpintero ako, basta’t kasama lang kita, masaya na ako. Do you not feel the same?”
Kumapit siya sa batok nito. “Kahit ano pang trabaho mo, basta’t kasimbait mo, at ganito mo ako kamahal, masaya na ako.”
Nangiti itong hinalikan siya sa labi. “I knew that… there will come a time for us… to be happy finally.”
“It has come,” ibinulong niya at muling inabot ang mga labi nito.