Babala
by Simone Simon
Kung maglalakad kang muli sa daang kinalimutan ng dating mangangasong
dito sa bundok niya ay naligaw
Dito sa dibdib ng dalagang ang tanging sala ay magmahal
Matatagpuan mo ang kanyang pagpapala.
Kung tatahakin mo ang panahong yumao na
Upang balikan ang dati niyang ganda
Muli pa ay babasbasan ka ng kanyang halina.
Nakaratay sa lupa ni Bathala ang dalagang nananahan sa pighati
Dala ng pagkawalay sa taga-lupang kanyang minimithi.
Mag-ingat ka binata, sa bawat bulaklak na sasamyuin sa bundok niyang giliw,
Gayumang magpapanatili, magpapabalik sa iyo ika’y igagapi.
Mananahan din ang iyong puso sa kanyang berdeng tahanan magpakailanman
Upang muli’t muli pa ay siya’y balikan.
|