Chapter 2: Coincidence
Alas-diyes na ng gabi. Hindi makatulog si Gracie kaya’t nilibang niya ang sarili sa pamamagitan ng laptop. Sa terrace siya sa may salas pumuwesto at nag-browse sa internet. Nagcheck siya ng e-mails. Wala naman bago. Naisip na lamang niyang makipag-chat. Nakita niya sa contacts na online ang kaibigang si Philsan. Matanda ito sa kanya ng ilang taon. Mas matanda pa ito sa ate Heart niya, pero ayaw nitong tinatawag itong ‘kuya’. Halos kapatid na rin ang turing nila rito at sa buong pamilya nito. Anak ito ng Tita Gina nila, best friend ng daddy nila. Ang magkakapatid na Jonam, Alex, Philsan, Joan at Celine Dela Cruz ay malalapit sa kanila at parang anak na rin ng daddy nila. Kasama nilang lumaki ang mga ito at parang mga kapatid na rin nila. Ang ate Joan ang yumaong best friend ng ate Heart at kuya Seph niya at si Celine naman (o Che) ang best friend niya.
“Hi Phil! J”
“Hi Gracie! How are you? “
“I’m fine. I’m here in Posiedon for a vacation.”
“Really?Are you with the other members of the family?”
“Nope. All by myself.”
“Oh, I c. Why is that?”
“Wanna stand on my own… He he he.”
“Andyan sa Posiedon yung friend ko na interested sa’yo, si Migs, remember?”
Saglit siyang naitiglan at nag-isip. Oo nga pala, may kaibigan si Philsan na intresado sa kanya noon sa birthday party nito sa Eco Village sa Dionysus. Gusto raw makipag-kilala sa kanya, ngunit hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala.
“Sa’n dito sa Posiedon?” Tanong niya. Naging intresado siya bigla. Ang alam kasi niya ay mabait ang kaibigan ni Philsan. Dating magkapit-bahay ang mga ito sa Maynila nang magbakasyon doon si Phil noong college ito. Wala naman sigurong masama kung makipag-kaibigan siya rito.
Nagulat si Miguel sa biglang pagtawag ng kaibigang si Philsan. “Oh, Phil, pare…” kasalukuyan siyang nanonood ng tv.
“Pare, kamusta ka na?” sabi ng nasa kabilang linya.
“Ayos naman. Napatawag ka?”
“Itatanong ko lang
sana kung saan ka dyan sa Posiedon, kasi si Gracie, yung friend and younger sis ko na rin na crush mo, andyan din ngayon, nagbabakasyon. Tinatanong kung saang lugar ka daw.” Walang paligoy-ligoy na sabi ni Philsan.
Natawa siya sa salitang ginamit ni Phil. Crush. Cute. Parang bumalik siya sa high school dahil sa salitang iyon. Oo, crush niya si Gracie. At ngayon, natutuwa siya dahil posibleng makita na niya ito uli. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Ibinigay niya kay Phil ang eksaktong address niya.
“Sandali, pare. Dahan-dahan lang. Ka-chat ko si Gracie ngayon sa messenger. Hindi madaling mag-type. Sandali, ah…” medyo natatawang sabi nito.
“Saan daw siya?” excited na tanong ni Miguel.
“Hindi pa ibinibigay, eh. Sandali lang…”
Tumayo siya at lumabas ng bahay. Naiingayan siya sa telebisyon. Hindi niya mahagilap ang remote control ng TV. “Saan kaya siya dito?” tanong ni Miguel. Napa-tingin siya sa kabilang bahay. Napukaw ng atensiyon niya ang isang babae na abala sa kung anong ginagawa sa harapan ng laptop sa terrace ng bahay nito. Hindi siya maaaring magkamali. Si Gracie ang babaeng nakikita niya ngayon. “P-pare… hindi ba ibinigay ni Gracie yung eksaktong address niya?” Kahit medyo madilim dahil gabi ay nakilala niya ito.
“Hindi, eh. Ang tagal nga mag-reply.”
Napansin ni Gracie na mayroong tao sa bakuran ng kabilang bahay. Itinigil muna niya ang ginagawang sulat para kay Jeremy. Katatanggap lang kasi niya ng e-mail nito at hindi kaagad siya nakasagot sa tanong ni Phil sa messenger. Tiningnan niya ang lalake sa kabilang bahay. Tila may hawak na telepono. Mababa lamang ang bakod na kahoy kaya’t kitang-kita niya ang lalake. Pamilyar ang mukha nito.
Natigilan si Miguel nang tumingin sa kanya si Gracie. “Pare, tatawagan na lang kita. Sandali lang.”
“Ha? Bakit? Pero sige. Ikaw ang bahala,” may pagtatakang sabi ni Philsan.
Pinutol ni Miguel ang linya at lumapit sa bakod na halos kadikit na ng terrace. Tumayo din ang babae at lumapit din sa bakod.
“Gracie, right?” naka-ngiting tanong niya.
“Yes, and you are... Miguel?”
“Yes. Philsan is our common friend.”
“Yeah,” naka-ngtiting sabi ni Gracie. “Who would ever thought that we’re neighbours?” Nasa kabilang bahay lang pala ang kaibigang sinasabi ni Philsan. Parang hindi siya makapaniwala. Baiglang na-realize ni Gracie na nag-uusap sila sa pagitan ng mga bakod. Wala naman sigurong masama kung patutuluyin niya ito sa bakuran niya. Kahit sa terrace lang sila mag-usap. “Would you like to come here?” Alok niya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ito. At saka, alam niyang pinipili ni Philsan ng maigi ang mga kaibigan nito.
“P-pwede?” nag-aalangan ngunit naka-ngiting tanong ni Miguel.
“Sure, “ sabi niya. Lumabas si Miguel ng bakuran nito at pinagbuksan niya ito ng gate at inalok sa terrace. “Have a seat.”
“Thank you!” Naupo si Miguel at umupo sa tapat niya si Gracie. “I’m glad you still remember me.”
Tumango siya. “Oo naman. Madalas kang ipaalala sa akin ni Philsan. By the way, I’m Regine Grace Gonzaga,” pagpapakilala uli niya. Pangalan lang ang alam nila pareho, hindi ang apelyido.
“Miguel Atienza.” Nagkamayan sila. “Two months na ang nakakalipas magmula nang magkita tayo sa party nila Phil. Gusto
sana kita noon makilala, pero hindi na tayo ulit nagkita.”
Itinabi ni Gracie ang laptop. “Naging busy kasi ako noon kaya hindi na ako nakikipag-communicate ng madalas kay Phil. Pero nababanggit ka niya sa akin.”
Ngiti ang isinukli nito. Napakaamo ng mukha ni Miguel. May pagka-kulot ang buhok nito pero maayos ang cut. Napakalinis tingnan. Matangos ang ilong at matangkad. Siguro ay nasa five-ten o five-eleven ang tangkad nito. Siya ay mababa lang. Five feet and three inches lang ang taas niya.
“Pasensiya ka na kung hindi na tayo uli nagkita noon at hindi ko naibigay ang number ko. Busy lang talaga kasi ako noon sa pag-aaral,” paliwanag niya. Totoo naman kasing abala siya sa pag-aaral, pero ang isa pang dahilan noon ay may boyfriend siya. Hindi siya intresadong makipag-kilala kay Miguel dahil kay Jeremy. Pero alam niyang hinahanap-hanap siya nito.
Mas maganda sa paningin ni Miguel si Gracie kapag wala itong anumang make-up. “Ano nga pala ang course mo? Kamusta ang pag-aaral? Graduating ka na?” sunod-sunod na tanong nito.
“Archaeology is my major. Incoming third year na ako sa
Athena
University.”
“Oh, that’s a nice course, and nice school.”
“How about you? Nagta-trabaho ka na?”
Ngumiti ito. “Hindi ako nagta-trabaho ngayon. I’m studying, too. I’m a third year medical student sa Minerva. Next week pa lang matatapos ang duty ko.”
“Good for you. Kamusta naman ang duty?”
“Ok naman. I’m happy with what I’m doing, helping others and saving lives.”
Madami pa silang mga napag-usapan, halos tungkol sa mga cases na nahahawakan nito sa ospital. Madalas kasi siyang magtanong. Medicine kasi ang second choice niya. Nagtatanong din si Miguel tungkol sa kurso niya at kung ano ang mga experiences niya sa pagiging Archaeology major. Batid niyang may sense of humor ito. Hindi nakaka-bore na kausap.”
“Sa wakas, nagkakilala din tayo, ‘no?” sabi niya.
“Oo nga. Halos dalawang buwan talaga kitang hinanap.”
Ngumiti lang siya at sinipat ang wrist watch. Alas-onse na pala ng gabi. “Miguel, it’s getting late. Hindi pala natin namalayan ang oras.”
Sinipat din nito ang sariling wrist watch. “Oo nga pala. So, papa’no, bukas na lang uli?”
“H-ha? Sure.” Nakadama siya ng tuwa nang maisip na magkikita uli sila bukas. “Sige na at baka hinahanap ka na ng kasama mo sa bahay.” Sumulyap siya sa bahay nito.
“Wala akong kasama dyan. Mag-isa lang ako.”
“T-talaga?” parehas pala sila nito.
Tumayo na si Miguel para magpaalam. “Sige, good night.”
“Good night.”
Humakbang na ito palapit sa gate nang lumingon ito sa kanya, lumapit at dinukot sa bulsa ang cellphone. “Gracie, can I have your number, please?”
“Sure.” Sinabi niya rito ang numero niya. Ganoon din tio sa kanya.
“Thanks.” Nag-dalawang-isip pa itong humakbang papalayo. “Ahm, Gracie…”
“Yes?”
“Pwede ba kitang ligawan?”
Nabigla siya sa sinabi nito. Ngumiti siya. “Ang bilis naman.”
“Sa loob kasi ng dalawang buwan, wala akong ibang ginusto kundi ang makita ka. I can’t believe it na nandito ka sa harapan ko at nakakausap kita. Okay na sa akin na magkakilala lang tayo, tapos mag-usap paminsan-minsan. Pero ngayon, pinatuloy mo pa ako sa bahay mo. Nag-open ka tungkol sa buhay mo. Bonus na lang ‘yon. I really thank God. And I want to thank you, too.”
“Wala ‘yun. Thanks also for your time. Saka, salamat din sa tiyaga sa paghahanap. But I think it’s better kung kikilalanin muna natin ng mabuti ang isa’t-isa,” suhestiyon niya.
“Sige, ikaw ang bahala… Good night.”
“Good night.”
Nakita ni Gracie na bukas pa ang ilaw sa isang silid sa ikalawang palapag. Batid niya, iyon ang silid ni Miguel. Alam niya, gising pa ito. Kinuha niya ang cellphone at nagpadala ng text message.
“Thanks again for your time. And I’m sorry coz I’m not yet ready for a relationship.”
Ilang segundo lang at nag-reply si Miguel. “I really like you that’s why I searched for you. And now that I found you, I won’t give up so easily. Can we chat again tom?”
Flattered siya sa mensahe nito. Batid niyang mabuting tao si Miguel, kaso ay hindi pa niya ito gaanong kilala. Nag-reply siya sa mensahe nito. “Yes, we can chat again tom. Sige, go to sleep na. Good night.”
“One question pls. Can Gracie fall in love with Miguel?”
Naguguluhan siya. Wala na siyang nararamdaman para kay Jeremy. Tanggap na niya ang nangyari sa kanila. Pero ngayon naman, takot siyang umibig uli at masaktan. Parang si Miguel ang mahihirapan sa ginagawa niya. Hindi na niya sinagot ang mensahe nito. Pinatay na niya ang ilaw sa silid at natulog.
Kinaumagahan, maagang nagising si Gracie. Pagkatapos magdasal ay kinuha niya nag cellphone at nagpadala ng mensahe kay Miguel. Dahil hindi na siya sumagot sa mesahe nito kagabi, siya ang unang magte-text.
“Good morning! Have a blessed day. J “
Katulad ng inaasahan, nag-reply ito. “Good morning din. Thanks for the morning msg. Why are you up so early?”
“Wala naman. Maaga lang talaga akong nagigising.”
Alas-sais na noon ng umaga. Ganoong oras talaga siya nagigising kapag walang pasok.
“Ah, ok. You did not answer my question last night, so I asked God for a sign, and I got it just now. He he J”
Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Mukhang gusto talaga siyang ligawan ni Miguel. Siguro, mas makabubuti kung sasabihin niya rito ang tungkol kay Jeremy para maunawaan nito ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang pumasok sa isang relasyon.
Hapon na nang magkita sila ni Miguel. Katulad ng dati, alas-singko ng hapon ang uwi nito galing ospital. Nasa garden siya noon at abala na naman sa laptop nang marinig niya ang paparating na sasakyan nito. Nang magtama ang kanilang mga paningin bago ito pumasok sa loob ng bahay ay nag-ngitian sila. Napaka-gwapo nito sa puting damit. Matapos maligo at magbihis ay dumayo ito sa bahay niya.
Naupo ito sa bench sa tapat niya. “Hi! Kamusta?”
“Mabuti naman,” sagot niya. “Ikaw, kamusta ang duty?”
“Malungkot. We lost one of our patients. Ganun talaga ang buhay,” sabi nito.
“Oo nga,” sabi niya. Bigla niyang naalala ang yumao niyang ina. “Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Na-feel ko ang ganyang pain when I was just eight years old. My mom died,” malungkot na sabi niya. “And it happened again when we lost my big brother, actually, cousin, just last January.”
“I’m sorry to hear that. Parehas pala tayo. My Dad passed away three years ago.” Nasa tinig nito ang empathy.
Hindi lang pala siya ang naulila sa magulang. Maging si Miguel ay ganoon din. “Talaga? Nasaan ang Mommy mo ngayon? Bakit wala kang kasama sa bahay?”
“Nasa
Canada ang Mommy ko at dalawang kuya ko. May sariling pamilya na rin ang mga kuya ko,” kwento nito.
“Eh, ikaw, kelan ka naman magse-settle down?” biro niya. Huli na para bawiin niya. Pinagalitan niya ang sarili. Bakit ba niya nasabi iyon?
“Ako? Siguro kapag mahal na rin ako ng babaeng mahal ko.” Nang sabihin iyon ni Miguel ay nakatingin ito sa kanya.
“Ma-mahal mo ba talaga?...”
“Oo naman. Basta ko na lang naramdaman. Handa akong maghintay, at handa akong gawin ang lahat para sa’yo, Gracie.”
Flowering words. Iyon ang maitatawag niya sa mga sinasabi ni Miguel. “Thank you. Pero katulad ng sinabi ko, mas mabuti siguro kung kilalanin muna natin ng mabuti ang isa’t-isa.”
May lungkot sa anyo ni Miguel, ngunit tipid itong ngumiti.
“Sandali lang, may kukunin lang ako sa loob,” paalam niya. Pumunta siya sa kusina at kinuha ang muffins na ginawa niya kanina. Naghanda siya ng pagkain sa tray para sa kanila ni Miguel. Sinamahan niya iyon ng maiinom. “Kain muna tayo,” alok niya nang makarating sa labas ng bahay.
“Wow! Thank you!.” Halatang na-appreciate nito ang inihanda niyang pagkain.
“Ako ang nag-bake niyan. Inihanda ko talaga para sa ating dalawa.”
Parang na-flatter ito sa sinabi niya. Pero iyon ang totoo. Alam kasi niyang magku-kwentuhan na naman sila nito. “
Para lang sa ating dalawa?”
“Oo. Wala naman ibang kakain nyan, kundi tayo.”
“Nasaan ang mga kasama mo sa bahay?” Sumilip ito sa loob ng sala. Mula sa bench na inuupuan nita sa terrace ay kitang-kita nito ang napakalaking picture nila ng ate Heart at ate Sugar niya na nakasabit sa dingding. Kuha iyon noong nakaraang buwan lang sa paaralan nila. Nagandahan kasi siya kaya pinalakihan at ipina-frame niya. Kuha iyon ni Wim. Naka-blue long-sleeved blouse doon ang ate Heart niya, naka-puting turtle neck shirt naman si Sugar at nakasuot naman siya ng blue na bestida. May picture din silang kasama sina Seph at Wim pero nakasabit sa kwarto niya, pati na rin ang picture nilang mag-aama. “Mga kapatid mo yun, ano? Nasaan ang mga ate mo?”
“Mag-isa lang din ako, katulad mo.
Nasa
Athena
City ang pamilya ko, ang Daddy at mga kapatid ko.” Sumulyap siya sa larawan nilang magkapatid. “Parehas pala tayong bunso sa tatlong magkakapatid.”
“Oo nga, ano?” pansin nito. “Kayo, lahat babae. Kami naman, all boys. Ulila kayo sa ina, ulila naman kami sa ama. Parehas pa tayong pure Filipino at ipinanganak at lumaki sa Pilipinas.”
“Coincidence?” tanong niya.
“I think so. Bakit nga pala hindi mo sila kasamang nag-bakasyon dito?”
“Si Daddy at si ate, may trabaho. ‘Yung kapatid ko naman at pinsan may summer classes. Actually, dapat ngayon summer, mag-aaral ako. Kaso sabi ng boss ko, sa opening na lang daw. Masyado akong napagod. Nagkasakit at nangayayat ako. I lost 6 lbs. kaya ako ngayon nagbabakasyon.”
“Your boss?” taking-tanong nito.
“Daddy ko. Bossing ang tawag ko sa kanya. Kanang-kamay niya ako sa bahay at sa opisina. Ako na ang kasalo ni Daddy sa pagde-desisyon simula nang umalis ang ate Heart sa bahay namin sa Pilipinas para mag-aral dito sa
Athena
Island.”
“Ah…” tumango-tango ito. “Siguro kailangan mo na talagang magka-boyfriend para maka-recover ka na sa health mo,” biro nito.
“Hindi rin. Nakadagdag nga ang boyfriend sa stress ko.” Pinagmasdan niya ang anyo nito. Nagtatanong. Ikinuwento niya ang nagyari sa kanila noon ni Jeremy, at kung gaano sya kaapektado sa panloloko nito noon. Napabayaan niya ang sarili sa kagustuhang makalimutan ang mga problema noon dahil sa babae nito.
“Ngayon, naiintindihan na kita. But I want you to know that I’m still waiting to wait for you…”