Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      lyzah-lovefortune11
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
Love Fortune
by Lyzah
 
 
Chapter 11
 
 

SAKAY SILA ng kotse ni Terrence papunta sa bahay ni Theresa upang ibalita ang nangyari. Habang daan ay maraming ipinagtapat si Terrence sa kanya.

          “Alam mo noong bago pa tayo ikasal, nag-usap kami ni Clarrence. Sabi niya, napakasama mo raw na babae. That’s why gan’un ang trato ko sa ‘yo. Noon nga ay akala ko nagpa-plastik-plastikan ka sa harap ko, di naman pala. Pero pinagsisihan naman ni Clarrence ang ginawa niya,” sabi ni Terrence.

          “How about sa niluto ko? Talaga bang hindi ka naniwalang luto ko iyon at hindi in-order?” tanong niya.

          “Alam ko namang luto mo iyon, eh. Ang layo kaya ng isang kainan sa lugar natin. Hindi ka makakarating ng maaga kung in-order mo iyon. Pero infairness, masarap siya, ha?” Tumawa ito.

          “Ikaw kasi, eh. Wala kang bilib sa akin,” tampong sabi niya at nagseryoso. “`Nga pala gusto kong malaman mo kung bakit ako nagkasakit…”

          “`Nga `no. Alam kong nagsisinungaling ka nang sabihin mong nahulog ka sa hagdanan.”

          “Sa totoo lang, naglilinis ako nang araw na iyon, kapag basa na ang likod ko ay pinapa-dry ko sa electric fan. Ilang beses kung ginawa iyon kaya siguro nagkagan’un ako. Laking pasasalamat ko nga’t dinala mo ko agad sa ospital.”

          “Bakit mo nga ba iyon ginawa?” tanong nitong palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa daan.

          “`Yung kondisyon mo nang matalo ako sa sparing kasi, eh, nakakainis.

          “Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Sabihin mo lang sa akin na ayaw mo, rerespituhin ko naman ang desisyon mo.”

Ngumiti siya. “Alam mo bang merong isang pangyayari na hindi ko makakalimutan?”

          “I know that,” tawang sabi nito. “`Yun ba iyong ibinitay kita sa puno?”

          “Galit na galit talaga ako sa iyo noon, `no! Wala kang awa! Natiis mo ako sa dilim. Ang lakas-lakas na nga ng sigaw ko nang may marinig akong kaluskos sa ibaba. But you did not bother to check me!”

          “Hindi mo lang alam, alalang-alala ako sa iyo noon. Hindi nga ako natulog nang magdamag para mabantayan ka.”

          “Wow! How sweet.”

          “Pero alam mo, akala ko talaga napakasama ng ugali mo. O di kaya ay wala ka lang sa mood nang mga panahong iyon?” pag-iiba nito sa usapan.

          “Ha? Bakit? Ano bang nangyari?” nagtatakang tanong niya.

          “N’ung may nakabangga kang kotse sa parking lot sa Mall—”

          “Oh, that?! Pinagsisihan ko rin iyon. But minsan, natutuwa ako `pag naiisip iyon kasi nakaganti rin ako kay Clarrence.”

          Kumunot ang noo nito.

          “`Buti nga sa kanya! At least, naramdaman niya kung ano ang sakit kapag nainsulto… at kapag nasaktan. Hah! Nakaganti rin ako!” masayang wika niya.

          Binatokan siya nito.

          “Ang sakit, ha! Bakit mo ginawa iyon?” Nakakunuot-noong asik niya rito.

          “Okay ka lang? Ako iyon at hindi si Clarrence! Kung alam mo lang kung anu-ano ang mga naiisip kong pang ganti sa iyo. Talagang nainsulto mo ko sa pagkakataong iyon, ha. Ikaw lang ang nakagawa sa akin, n’un.”

          “Oh, my God! Talaga? Ikaw iyon.” Nakagat niya ang mga daliri niya sa kanang kamay. Ay! Sorry, ha? Di ko sinasadya. Hindi ko naman akalain na ikaw iyon. Magkamukha kasi kayo, eh.”

          Tumahimik ito. “Theresa? Nasaktan ka ba nang husto nang pagtaksilan ka ni Clarrence?”

          “Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kasi parang ang dali ko lang naka-recover. Pero kahit gan’un, sunud-sunod naman ang mga problemang dumating sa buhay ko.”

          “Bakit?”

          “Eh, sa ipinagkasundo ako sa taong hindi ko naman mahal tapos sa araw pa ng kasal ko makikila. Sino naman kaya ang hindi madi-depressed sa ginawa nila?”

          “Bakit, di mo ba talaga ako mahal?”

          “Siyempre naman.”

          “Ano?!” napa-preno itong bigla. Muntik na siyang mabangga sa salamin. `Buti na lang at hinawakan siya nito. “Magtapatan nga tayo! Di mo pa sinasabi sa akin na mahal mo talaga ako, eh,” parang galit na sabi nito.

          “Tinawag mo pa akong gunggong gayong mas lalo ka pa palang gunggong diyan, eh! Noon pa kita sinabihan na mahal kita pero anong ginawa mo? Niloko mo ko—”

          “Hoy! Para malaman mo, gusto lang kitang gantihan dahil sa ginawa mong panginginsulto sa `kin—”

          “Malay ko ba na ikaw pala iyon. Palibhasa kasi magkamukha kayo ni Clarrence!” sigaw na naman niya.

          “Bakit, kasalanan ko bang naging magkamukha kami, ha?!” Tumaas na rin ang tono ng pananalita ni Terrence.

          “Pakialam ko ba kung kasalanan  mo ba o hindi! Kiber ko ba!” pambabalewala niya.

          “Kiber ko rin!” panggagaya nito sa kanya.

          “Para ka talagang bakla!”

          “Kung gan’un, eh, bakit mo ko minahal?” tuya ni Terrence.

          “Kasalanan ko bang mahalin ko ang isang baklang tulad mo?!” sigaw naman niya rito na ikinakunot ng noo nito.

          “At kasalanan ko rin bang mahalin ang isang tangang tulad mo?” sigaw din nito.

          Nagsukatan sila ng tingin pero sa huli ay si Terrence ang unang nagbaba nang tingin. “Let’s stop this, Theresa. It’s not worth it, you know.”

          “Yeah… I’m sorry…”

          “I’m sorry, too.” Ginulo nito ang buhok niya. “Sorry sa `pag tawag ko sa iyo ng tanga. Pero alam mo namang hindi iyon totoo, eh. Medyo lang.” Tumawa ito.

          Sinapak niya ito. “Ikaw talaga!” natatawang sigaw niya uli rito.

Yumakap siya rito at inihiga ang ulo sa dibdib nito. Yumakap rin naman ito sa kanya at hinalikan siya sa buhok.

“I love you so much, Terrence...”

          “I love you, too. Hmm… Mas malaki pa ang percentage ng pagmamahal ko sa ‘yo kaysa sa pagmamahal mo sa akin—joke! Heto na naman tayo,” sabi nito at tumawa.

          “Ikaw kasi, eh.”

 
 
 
 
 
 
Chapter 08   Chapter 09   Chapter 10   Chapter 11
 
 
 
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.