Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      cesadriano/wantingyou01
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
Wanting You
by Ces Adriano
 
 
 
 
Chapter One
 

MALAKAS ang ihip ng hangin ng mga sandaling iyon at hindi maikaila ang labis na kasiyahan ni Kate dahil kasama niya ang nag-iisang lalaki sa kaniyang puso na si Nelson. Magkahawak kamay sila habang nakaupo sa lilim ng puno at nakasandal siya sa balikat nito. Pagkatapos ay hinawakan ni Nelson ang kaniyang kamay at saka hinalikan iyon. Ilang sandali pa ay nagkatinginan sila, hindi niya lubos maisip na mahal din pala siya ng binata at ngayon nga ay ipinararamdam na nito sa kaniya. Para sa kaniya si Nelson na ang pinakamakisig, pinaka-romantic, pinaka-charming na lalaking nakilala niya at marahil wala na siyang hahanapin pa. Unti-unti ay inilalapit na ng binata ang labi nito sa kaniyang labi, pero bago pa siya mahalikan nito ay parang may malakas na dagundong sa kaniyang likuran at labis niya itong ikinagulat. 

Tumutunog ang kaniyang alarm clock at naiinis man ay idinilat niya ang kaniyang mga mata at bahagyang bumangon upang pahintuin ang orasan sa tabi ng kaniyang drawer. Pagkatapos ay may kumatok sa kaniyang pinto at naririnig niyang tinatawag na ang kaniyang pangalan.

          “Kainis naman! Ganda-ganda ng panaginip ko eh, istorbo.”

Bumukas ang kaniyang pinto at isinungaw niyon ang kaniyang mommy.

          “Kate tanghali na, wala ka bang pasok ngayon?”

          “Maaga pa mommy eh, inaantok pa ako.”

Nilapitan siya ng kaniyang ina saka hinalikan siya nito sa noo.

          “Papaano mo mapapatunayan sa aking kaya mo ng asikasuhin ang iyong sarili kahit na wala kami ng daddy mo, kung ngayon pa lang ay ganiyan pa rin ang inaasal mo? Baka magbago ang isip namin at isama ka na lang namin sa Canada?”

Naupo naman si Kate sa gilid ng kanyang kama at tila kinukondisyon ang sarili. Naalala  niyang sa susunod na linggo na nga pala ang alis ng kaniyang mga magulang papuntang Canada at doon na manininirahan. Dahil nagbukas doon ng negosyo ang kaniyang papa na walang ibang mag-aasikaso kundi ang mga ito rin.

Samantala, ipauubaya na muna ng kaniyang mga magulang ang iba nilang negosyo sa kapatid ng kaniyang papa na si Victor habang nagsisimula palang si Rham na hawakan ang mga ito. Tutulungan nito si Rham sa pagpapalakad ng mga iyon. Si Rham ang nakatatanda niyang kapatid na malapit na kaibigan at kababata naman ni Nelson. Walong-taon ang agwat sa kaniya ni Rham at Nelson.

Mayaman ang kanilang angkan at may hacienda, subalit dahil sa dalawa lamang silang anak ay hindi na halos sila nagkikita ng kaniyang kapatid dahil sa mga negosyo na kailangang atupagin nito. Samantalang si Nelson naman matapos  ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo at sa ibang bansa ay sandaling nagtrabaho sa kompanya ng kaniyang tiyuhin. Subalit ipinasiya nitong umuwi dahil sa biglaang pagkakasakit ng kaniyang ama at ipinasyang ipagamot sa ibang bansa ng mga kapatid nito. Kaya siya na ang mag-aasikaso ng mga negosyo nila. Kasama naman ni Nelson ang kaniyang nakababatang kapatid na si Annie na kaklase at matalik na kaibigan naman ni Kate. 

Kahit labing-anim lang si Kate at maraming nanliligaw sa kaniya. Mapabata man o mapamatanda, pero lahat ng iyon ay hindi nga niya pinagtutuunan ng pansin at hindi pa siya nagkakaboyfriend dahil iisa lamang ang nasa puso niya at iyon ay si Nelson.

Mula kasi ng dumating ito sa Bacolod ay hindi na naalis sa isipin ni Kate si Nelson. Pakiramdam niya ay talagang na-in-love siya sa kuya ni Annie. Sa gulang na bente-kwatro ay halatang matikas at talagang matipuno si Nelson marahil banat sa pisikal na gawain o sa pag-eehersisyo at palaging nakabilad sa araw, kaya naman kumuha ito ng agricultural engineering at nag-aral pa sa ibang bansa matapos makapagtapos ng kolehiyo para sa karagdagang kaalaman. Samantalang ang kaniyang kapatid ay palaging nakakulong sa opisina nito at hindi man lang nasisinagan ng araw. Subalit para sa kaniya ay mas simpatiko ito kaysa kay Rham na siyang madalas ding sabihin ng mga naging karelasyon ni Nelson o marahil talagang marunong lang magdala ng mga babae ito at hindi katulad ni Rham na may pagkasuplado at pagkaantipatiko.

Isa lamang ang naging karelasyon ni Rham at sumablay pa dahil na rin sa ugali ng kaniyang kapatid. Bagaman magna cumlaude ang babae ay tinalikuran ito ni Rham nang sabihin nito ang planong kasal pagkatapos ng ilang taon. Sa sama ng loob ng babae ay si Nelson ang pinagbalingan, subalit hindi tipo ni Nelson ang mga babaeng palaging libro ang hawak o mga social issues at utak ang pinag-uusapan. Kundi mahilig si Nelson sa mga magagandang babae na mas iniintidi ang hitsura at katawan. Iyong tipong sa unang tingin pa lang ay lalapitan na siya at kakarenyuhin ng mga ito. At lahat ng iyon ay alam ni Kate, mula kasi nang makadama siya ng pagkagusto sa binata ay inalam niya ang naging buhay nito mula kay Annie. Napangiti si Kate sa kaniyang ina saka nagsalita.

“Sige mommy maliligo na po ako.”

“Dapat lang anak. Sige hintayin ka namin ng daddy mo sa baba para makapag-almusal na.”

Tumango naman si Kate at nagpaalam na sa kaniya ang kaniyang ina. Habang naliligo ay muli niyang inalala ang kaniyang panaginip at napapangiti siya habang nag-iisip. Sana nga ay magkatotoo ang kaniyang mga panaginip dahil walang araw na hindi nga niya minimithi na ligawan siya ni Nelson at ipadama ang pag-ibig nito sa kaniya kahit na hindi pa rin ito nagpaparamdam hanggang ngayon at madalas lamang siya nitong pagmasdan at titigan.

Handa na si Kate sa pagpasok at naabutan niyang nag-aalmusal na ang kaniyang mga magulang. Hinalikan niya ang mga ito saka umupo at kumuha ng pagkain sa kaniyang pinggan. Madalas sa hardin ng bahay sila nag-aalmusal.

          “Sa isang linggo ay darating si Rham at pinakiusapan ko munang asikasuhin ka habang wala pa ang tita Rima mo.” 

Parang wala namang narinig si Kate sa sinabi ng kaniyang ama na darating ang kaniyang kapatid.

          “Kailan ba dating ni tita Rima dad?”

          “Sa isang buwan pa daw dahil hindi naman basta maiiwan ni Rima ang kaniyang trabaho sa Spain.”

Tumango naman si Kate habang sumusubo ng pagkain.

          “Kaya habang wala pa si Rima ay susunod ka sa kuya mo at huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo dahil maraming iniisip iyon Kate.”

          “Yes dad.”

Saka na siya nagpaalam sa kaniyang mga magulang. Hatid siya ng driver at dumaan siya sa mansion ng mga Mendrez  saka pinahinto ang sasakyan pagkatapos ay inayos ang kaniyang mukha. Napangiti siya sa kaniyang sarili dahil sa tingin niya ay mapapansin na siya ni Nelson. Bumaba siya ng sasakyan.

          “Sandali lang Mang Ben ha. Sunduin lang natin si Annie.”

Ngumiti naman si Mang Ben at palagi naman nila itong ginagawa tuwing umaga.

          “Ayos lang Kate. Sige hintayin ko na lang kayo dito ni Annie.”

Mula nang dumating nga si Nelson ay nakiusap siya kay Annie na palagi na silang magkasabay pagpasok sa school para palagi niyang nakikita ang kapatid nito. Nag-doorbell siya at pinagbuksan naman siya ng isang housemaid.

          “Magandang umaga sa iyo Ms. Kate.”

          “Magandang umaga rin po. Bihis na ba si Annie?”

          “Oo, kanina pa. Halika ka pasok ka.”

Ngumiti si Kate saka pumasok sa loob. Malawak ang mansion ng mga Mendrez at talagang napakaaliwalas. Kahit simple lamang ang mga dekorasyon dito ay mahahalata naman ang pagiging sopistikado. Kung tutuusin ay mas gusto pa niyang palaging bumibisita dito at manirahan kung maaari lang, bagaman mas maraming mamahaling dekorasyon sa kanilang bahay ay narito naman ang lalaking minamahal niya. Tumuloy siya sa hardin at nakita niya roon si Annie na kasalukyang kausap si Nelson. Biglang naging excited si Kate at bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Napatingin naman sa kaniya ang magkapatid at makahulugan naman ang ngiti ni Annie sa kaniyang bestfriend. Hindi naman ngumingiti si Nelson at matama lamang siyang nakatingin sa dalaga. Nakangiti naman si Kate habang papalapit sa magkapatid.

          “Good morning kuya Nelson! Susunduin ko na si Annie!”

Napatango lang si Nelson at hinarap na ang kapatid.

          “ Gaya ng sinabi ko sa iyo Annie, wala kang magiging problema kay Leila. Mabait siya and I’m sure magugustuhan mo siya.”

          “Hay naku kuya wala naman sa akin kung sino ang iuuwi mo dito sa bahay natin. Ang sa akin lang ay ayaw kong aasta ang Leila na iyan dito na parang isang prima-donna ha.  Kahit pa isa siyang sumisikat na modelo sa ibang bansa! Alam mo naman ako…”

Ngumiti si Nelson at niyakap ang kapatid.

          “Don’t worry, I can assure you that you’ll going to like her.”

Napaismid naman si Annie at saka na nagpaalam.

          “O siya, aalis na kami baka ma-late pa kami ni Kate.”

Hinawakan na ni Annie ang kamay ng kaibigan na halatang tulala naman si Kate habang nakatingin sa magkapatid lalo na kay Nelson. Binulungan siya ni Annie.

          “Huwag kang obvious diyan! Buti pa sa kotse na lang natin pag-usapan.”

Hindi pa rin nagsasalita si Kate at wala sa sariling sumusunod kay Annie habang hinihila siya nito. Nakapako pa rin ang tingin niya kay Nelson. Matama lang silang pinagmamasdan ng binata. Sa kotse ay halata ang inis ni Annie sa kapatid ngunit hindi pa rin makapagsalita si Kate na parang shock pa rin sa kaniyang narinig kanina.

          “Hay naku friend mukhang tagilid ka na, kasi next week ay darating ang bagong girlfriend ni kuya na si Leila. At mukhang magbabakasyon dito ng matagal-tagal ang babaeng iyon.”

Saka pa lamang siya natauhan.

          “Girlfriend? A-kala ko ba wala na siyang girlfriend at negosyo na muna ang aatupagin niya kaya siya nagdecide na umuwi na dito sa atin?”

Natawa naman si Annie.

          “Si kuya pa! Hindi mabubuhay iyon nang isang minuto kung walang girlfriend ano!

          Pakiramdam ni Kate ay sinaksak ng mga sandaling iyon ang kaniyang puso.

          “Ikaw naman parang hindi mo kilala si kuya Nelson…”

Oo alam niya ang buong istorya nito at ang personality nito na lapitin ng mga babae, pero iba ang kuwento sa tunay na nakikita. Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya at sa isip niya ay parang ayaw na niyang makita ang babaeng iyon at titira pa sa bahay ng magkapatid.

          “O ba’t natahimik ka diyan? Akala ko ba kahit palikero si kuya ay wala kang pakialam. Basta ang mahalaga ay gusto mo siya at gagawin mo ang lahat mapansin ka lang?”

          “Papaano ko naman magagawa iyon kung may girlfriend na ulit siya? Lalo na model pa kamo.”

          “Ano naman ngayon? Girlfriend pa lang naman at hindi asawa. Saka hindi ka naman magpapahuli kung sa ganda rin lang at sa paseksihan ng katawan!”

Bumuntong-hininga naman si Kate.

          “Bakit naman kasi nagka-girlfriend pa ulit ang kuya mo? Saan ba namang lupalop nakita ng kuya mo ang Leilang iyan samantalang nandito na siya sa atin?”

          “Ewan ko ba? Ako nga rin naguguluhan kay kuya. Noon ay puro lang negosyo ang bukam-bibig niya. Ngayon naman ay ang Leila na iyon! Hindi ko nga rin alam kung papaano sila nagkita samantalang matagal-tagal na dito si kuya? Minsan ay naniniwala na akong talagang matinik si kuya pagdating sa babae.”  Natatawang sabi ni Annie.

Hindi naman nakaimik si Kate at bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha at napansin iyon ng kaibigan.

          “Hey girl cheer up, kilala ko si kuya. Kahit ilang babae pa ang dumating sa buhay niya ay hindi naman siya nagkaroon ng serious commitment sa mga ito and for sure ang Leila na ito ay ganoon din! Madali din lang niyang pagsasawaan.”

          “Mukhang nagbibilang nga ng mga souvenirs ang mokong mong kuya ha. Hindi ko nga makalimutan ang mga gamit doon sa office niya na ipinakita mo sa akin na galing sa mga babaeng naging girlfriends niya kamo. Balak ba ng kuya mo na magtayo ng museum para doon?”

Natawa ulit si Annie.

          “Inisip ko nga rin iyan Kate. Inasar ko nga minsan nang makita ko ang mga iyon kaya ipinakita ko rin sa iyo. Tinanong ko nga  siya kung collector’s item ang mga iyon pero binatukan lamang ako.”

Napangiti na rin si Kate.

          “Kaya girl huwag mong masyadong dibdibin iyan! Tutal marami ka namang suitors at sabi nga ni kuya ay bata pa tayo kaya eenjoy muna natin ang ating buhay at isantabi muna ang love-love na iyan.”

          “Kaya siguro nag-eenjoy pa ang kuya mo sa pangongolekta.”

          “Correct!”

Napangiti ulit si Kate bagaman nasasaktan pa rin.

          “Kaya nga magkaibang-magkaiba sila ng kuya mo hindi ba?”

Ngiti lang ulit ang isinagot ni Kate sa kaibigan dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang past relationships ni Nelson.

Dumating na rin sila sa campus at mga ilang sandali pa ay magbebell na. Marami silang pinagkakaabalahan ngayon dahil bukod sa malapit nang magtapos ang klase ay marami silang activities sa school, dahil na rin sa graduating student sila at parehong may honors ay magkakaroon pa sila ng prom next week. Bagaman lahat ay masaya at nananabik na dumating na ang araw na iyon ay matamlay naman si Kate.

“Annie hindi na yata ako sasali sa prom.”

“Naku bakit naman? Baka malungkot ang mga guys natin!”

“Naisip ko kasing asikasuhin na muna si kuya Rham dahil darating siya next week.”

“Talaga! Darating ang kuya mo?”

Tumango naman si Kate.

“O di tamang-tama! Partner mo si kuya at ang kuya mo naman ang gagawin kong partner!”

Sandaling napag-isip si Kate at mukhang magandang ideya ang naisip ni Annie.

“Oo nga ano! Sige isama mo kuya mo at isasama ko naman si kuya Rham.”

Tumango si Annie at mukhang magandang ideya nga iyong naisip nila ni  Kate. May gusto rin kasi si Annie sa kuya ni Kate pero paghanga lang iyon at natutuwa lang siya sa pagiging suplado ng kapatid ni Kate.

 

Coming Very Soon...

 
 
 
 
 

 
 
 
 
 Comments...
 
 (Scroll down at the bottom of the page to write a comment)
 
Comments: (19) Comments Found!
Name: ces adrianoJune 6, 2010 12:25:40 PM
hi sa u and thank u...please visit ung paypal website at dun niyo po malalaman kung anong gagawin at kung papaano mag-register. click niyo lang sa search ang paypal at ipakikita na po sa inyo ang site. sana po ay nasagot ko ang katanungan niyo. maraming salamat pong muli.
Name: akoMay 17, 2010 08:52:28 AM
sana mabasa ko rin to kasi mukhang maganda.pano ba ung paypal?
Name: ces adrianoMarch 23, 2010 08:27:54 AM
HI YSH and to Ms. Garnet Heart...maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa nobelang ito. Gayundin hangad ko ang success pa ng lahat ng inyong YSH stories and I know magagawa niyo iyon kasi mahuhusay ang mga writers ng YSH. Again more power po sa YSH at sa lahat ng YSH writers! Sa mga readers maraming salamat din!
Name: ces adrianoMarch 23, 2010 08:23:14 AM
Hi Cassie! Alam ko kasi paypal lang pupuwede... pero if you want you can get the novel for free basta mag-register ka lang sa FORUM ng FRN at magpost ng 50 comments dun ay pasok ka na sa makakakuha ng nobela. Click mo lang ang FRN site at punta ka sa FORUM then start exploring at kung may queries ka ay maraming pong tutulong sa inyo dun. Maraming salamat at sana nasagot ko po ang tanong niyo. Have a nice day.
Name: CassieMarch 23, 2010 02:03:54 AM
ay dina sinagot ung tanong ko.. if pano makakuha ng E-book na wanting you... loloadan klng po ba ung sa e-load.... un lng po pwede he.. e-load..
Name: Garnet HeartMarch 22, 2010 06:39:01 PM
Watch niyo yung promotional video niya sa youtube, ang ganda! Pati story niya maganda. Promise!
Name: BudjoyMarch 18, 2010 06:30:21 AM
Sa mga gusto pong makakuha nito ng libre post lamang po kayo ng 50 comments sa FORUM ng frn. Limited lamang po ito sa 25 readers na makakabuno ng sa mga topic namin. Good luck po at nagpapasalamat na rin ako sa YSH sa mga tulong na ginagawa nila sa FRN... god bless sa lahat ng mga sumusuporta dito at sa mga autors... http://www.youtube.com/watch?v=ElCTwrxl0ug
Name: CassieMarch 18, 2010 04:22:27 AM
Ms Ces, pano po ba pag Eload, ano un paloloadan klng ung number na un tpos ok na? thnaks.. gus2 ko kc makakuha ng copy ng Wanting You eh.. salamat
Name: MikageMarch 14, 2010 09:17:22 AM
may paypal ako pero walang laman :) sayang type ko pa man din ang story niya :(
Name: cybMarch 9, 2010 02:42:14 PM
chapter one plang mgnda n at kaabang abang n..sna my chapter 2 n..
Name: wrell88March 9, 2010 03:08:12 AM
hay sayang.. wla akong paypal :( puwede bang magkatulong ako sa bahay ni Miss Cez Adriano ng 1 araw basta't bigyan niya ako ng copy hehe
Name: CassieMarch 8, 2010 05:17:40 AM
wow, ganda nito.... sna makakuha me ng copy nito.. thanks
Name: ces adrianoMarch 7, 2010 02:38:51 AM
thank u kay Pie, Cozycoo,Megan, Railey, Kylii at emzzz. Marami pong salamat sa pagtangkilik niyo sa FRN at siyempre dito po sa YSH. Mabuhay po kayo and more power too YSH!!!
Name: PieMarch 6, 2010 11:28:01 AM
I've read some stories sa FRN. Magagaling talaga ang mga authors doon, lalo na si Miss Ces. so i'm really happy to know na may e-book na sya. Good luck!
Name: cozycooMarch 5, 2010 04:50:37 AM
waaaa ang ganda nito!! ang galing galing ng author niya parang pro! gudluck miss Ces Adriano at sa buong FRN! :)
Name: MeganMarch 4, 2010 01:47:55 PM
ay ang cute! kelan po ba 'to magiging available?
Name: RaileyMarch 4, 2010 12:15:16 PM
nakita ko 'to sa FRN. gusto ko sanang bumili pag available na pero wala akong paypal. hay!
Name: KyliiMarch 4, 2010 12:04:28 PM
teaser pa lang maganda na.. sana puwede smart money para makabili ako.
Name: emzzzMarch 4, 2010 05:29:17 AM
ang mga bagets pg nag love tlga naman sbra kya pg 1st heart break tlgng literally broken hearted.................. at unforgettable.. cute ng story i wonder kung totoo s writer ngyari... :) cute kc ng story mafefeel m kung paano ngkacrush at nainlove ung nene..he..he..
 
 
 
 

LEAVE A COMMENT:
:
:


Reload Image
Code:

 
 
 
  
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.