Sa Kanyang Panaginip
Chapter 5
Sinisilip ni Gian sa hagdanan kung padating na si Cara. Nang palapit na si Cara at dala ang mga pinadadala sa kanya ng ama niya ay kinuha agad ni Gian ang bulaklak na dala niya at nagpadulas sa hawakan ng hagdanan.
Nagulat si Cara sa ginawa ni Gian.
“Tsaran! Nagulat ka ba?”
“M-medyo?”
Inabot ni Gian ang bulaklak sa babae, “For you.”
Kinuha naman iyon ni Cara, “Salamat ha.”
“Ako na ang magdadala niyan.” Kinuha ni Gian ang mga librong dala-dala ni Cara. “Ang tatay mo talaga, makakalimutin, kaya lagi kang pinapupunta pa rito eh.”
“Bakit ayaw mo?” tanong ni Cara.
“Hindi ah,
sana nga laging makalimot ang daddy mo para lagi kang andito.”
Ngumiti si Cara.
Lumabas si Atty. Simeon sa faculty room at inabot ni Gian ang mga libro dito.
“Ay. Dad. Heto na pala yung mga libro niyo.” Sabi ni Gian.
“Anong dad? Ambisyoso.” Sabi ni Atty.
“Pinapraktis ko lang po, for the future…” sabi ni Gian.
“Future, Cara, parang gusto na yatang mawalan ng future itong lalaking ito.”
“Dad, talaga.” Pangiting sinabi ni Cara.
“Dad, am… ipagpapaalam ko po
sana ang anak niyo, am… lalabas po
sana kami, alam niyo na mag-didate.”
“Ba’t hindi niyo na lang ako hintayin?” sabi ng abugado.
Napakamot ng ulo si Gian, “S-sir naman.”
“May problema ba sa akin,
Medina?” tanong ng abugado sa kanya.
“W-wala po sir.” Pilit na sagot ni Gian.
Sa isang Italian restaurant tumuloy ang tatlo, yun kasi ang gusto ng ama ni Cara. Pinagpasenyahan na lang ni Gian yun kahit sa totoo lang ay hindi niya feel ang restaurant, ni walang bahala na lang niya iyon dahil ang importante sa kanya ay kasama niya si Cara.
“Noong nagbakasyon kami sa Paris ni Cara, wala kaming ginawa don kundi ang kumain, I love Italain foods.” Sabi ng abugado. “Ikaw Medina, anong place na ang napuntahan mo na naging paborito mo?”
“Am… sa
Las Vegas sir.”
“Dahil maraming Casino? Kayo talagang mga kabataan, puro kayo gimik.”
“
Doon din po kasi nakatira ang mga pinsan ko.”
“I see..” sagot ng abugado. “How about
Italy, the
Rome,
Venice,
Milan?”
“Actually, sir during teenage years, nag travel kami sa
Italy, and my parents really appreciate it.”
“Talaga? How about you?’
“Ammm… okey lang” Okey lang means I find it boring.
“The place is so romantic, di ba,
Medina?”
“Y-yah sir.” Pilit na sagot ni Gian.
Napapangiti lang si Cara sa usapan ni Gian at ng ama niya, napatingin si Cara sa kamay ni Gian, nakalagay ito sa lap niya. Dahan dahang kinuha ni Cara ang kamay ng lalaki at hinawakan ito.
Naramdaman ni Gian ang tender na hawak ni Cara sa kamay niya, agad siyang napangiti na napansin agad ng abugado. “Oh, ba’t napangiti ka
Medina?”
“Wala, sir, sumasang-ayon na po ako sa inyo,
Italy is a romantic place.” Inayos ni Gian ang pagkahawak ni Cara sa kamay niya hinolding hands niya ang babae.
“That is a nice dinner,
Medina.” Pangiting sinabi ng abugado nang bumaba silang mag-ama sa kotse ni Gian, “Salamat sayo.”
“Ay, ayos lang po yun.” Sabi ni Gian.
“Good evening ha,
Medina,” pumasok na sa loob ng bahay ang abugado at iniwan ang dalawa sa labas.
“Ang tatay mo talaga, akala yata nasa classroom pa rin kami, nasa restaurant na lang apelyido pa ang tawag sa akin.” Sabi ni Gian.
“Nasanay lang siya na ganon ang tawag niya sayo.” Sabi ni Cara.
Ngumiti si Gian, “So… Cara…”
“Oh.”
“Ano ba? Amm… yun na ba yun?”
Napakunot ng noo si Cara, “Anong yun na ba yun?”
“Yung, alam mo na, holding hands ganon.”
Natawa si Cara, “Hay naku, Gian Medina, akala ko ba dati kang chickboy, ba’t parang yun lang di mo pa maintindihan?”
Ngumiti si Gian, “Wow, you don’t know how happy I’am. So.. ngayong malinaw na sa atin ang lahat, baka naman pwedeng makahingi ng good night kiss diyan.”
Nagdalawang isip si Cara sa sinabi ni Gian, “Ha….eh…”
Lumabas sa bahay ang abugado, “Cara! Ano ba? Magpapaalam ka lang tatagalan mo pa, pumasok ka na nga.”
Ngumiti si Cara kay Gian, “Sige, Gian, pasok na ako sa loob, good night ulit.”
“S-sige.’
Sumunod na si Cara sa ama niya at nagpaalam na rin si Gian sa mag-ama.
Nagkulong agad sa kaniyang kwarto si Cara at tinawagan ang kaibigan niyang si
Alice.
“Sobrang saya ko ngayon, ganito pala ang feeling na.. you feel na free ka dahil nagawa mo na ang bagay na gusto mong gawin.” Sabi niya sa kaibigan.
“I told you.”
“Kaya nga lang
Alice, I’m still afraid, andito pa rin kasi sa akin yung past and still disturb me, paano kung malaman niya ang tungkol don?”
“Do you want to tell it to him?” sabi ni Alice.
“Hindi pa ako ready, ayoko pa siyang mawala sa buhay ko, I’m afraid, I know that he is expecting something from me na baka madisppoint lang siya kasi
mali yung inaakala niya, kapag nalaman niya yun, baka iwan niya ako, I want to enjoy what we have right now.”
“Bahala ka, pero friend, I will remind you, kailangan din niyang malaman yun.” Paalala ni Alice sa kanya.
“Maybe it takes time.” Sagot ni Cara.
“Kung yan ang sa tingin mong tama.”
|