Chapter 4
Nagbell na at umalis na ang lahat ng estudyante sa classroom pwera lang kay Gian at kay Atty.
“Oh,
Medina, may sasabihin ka ba sa akin?” tanong ng abugado sa kanya.
Tumayo si Gian sa kinauupuan niya at nilapitan ang abugado. “S-sir..”
“Yes?”
“About your daughter..”
Napakunot ng noo ang abugado, “Oh, lesson ba natin ang anak ko?”
“Sir.. I like your daughter.”
“
Medina,
Medina… look at the mirror, young boy. Ilang taon ka na ba? Just turned twenty four and still playing with girls? Unica hija ko si Cara, para sa akin, isa siyang babaeng dapat seryosohin at mahalin.”
Sa labas ng room ay namalayan ng dalawa na nakasilip si Cara sa usapan ng dalawa.
“Seryoso naman ako ha.” Depensa ni Gian sa sarili.
“Pang-ilan ba siya sa mga babae mo ngayon?”
“Sir, two years na akong di nagkakagirlfriend, graduate na ako sa mga flings at mga relasyong lokohan lang, seryoso ako sa anak niyo.”
“Hay,
Medina. Tigilan mo nga ako.”
“Hindi ko kayo kayang tigilan dahil iba na ang nararamdaman ko sa anak niyo, I can’t fight this feeling anymore, na-in love din naman kayo sa asawa niyo ha, alam niyo naman ang nararamdaman ng isang lalaki kapag may matindi ng nararamdaman sa isang babae.”
“To tell you honestly, hijo. Ibahin mo si Cara, she is different sa ibang babaeng nakilala mo.”
“Yes sir, talagang she is different for me, at alam kong nag-iisa lang siya.” Sabi ni Gian.
“It is more than you know,
Medina, hindi mo pa kilala si Cara. I’m so sorry hijo, I’m just protecting my daughter.” Lumabas sa pinto si Atty Simeon kung saan nakita niya si Cara na naghihintay sa pintuan at nakayuko.
“Anong ginagawa mo rito, Cara?” Lumingon ang abugado kay Gian. “Mag-usap tayo sa bahay mamaya.”
“Yes dad.”
Tumuloy ang abugado sa faculty room at lumapit si Gian kay Cara.
“Kanina ka pa ba?’ tanong ni Gian.
Tumango si Cara, “I’m so sorry, Gian.”
“Cara, you don’t have to be sorry, I won’t give up naman eh.”
“Alam mo kasi, tama si daddy, iba ako sa inaakala mo.”
“Ano bang kailangan kong malaman?” tanong ni Gian.
“Hindi mo kailangang malaman. Sige.” tumalikod si Cara.
“Cara, like I said, kahit ano pa yun, hindi ako susuko.”
Hindi na humarap pa si Cara kay Gian tumuloy na lang ito sa paglalakad palayo sa lalaki.
Pagkagaling sa school ay nagtuloy si Cara sa isang restaurant upang makipagkita sa kaibigan niyang si
Alice.
“Hi! Cara!” umupo si Alice sa harapan ng kaibigan, “I’m so sorry for being late, may pasyente kasi akong di maiwanan.”
“
Alice, I have a question, ready na ba akong ma in love?”
Natawa si Alice sa sinabi ng kaibigan, “Are you in love?”
“I just want to ask if I’m ready to enter in a relationship.”
“Look, girl, since birth hindi ka pa nagkakaboyfriend, siguro naman time na para magkaboyfriend ka na.’
“You know my situation,
Alice.’
“Bakit? Hindi porke’t nangyari sa yo yun ay wala ka ng karapatang mahalin at magmahal, maganda nga yan eh, makakarecover ka na, di ba ito na ang matagal mo ng gustong mangyari, ang maka-recover.”
“Pero si daddy..”
“Uh-oh, I know it, siya talaga ang magiging problema, he is over protective.”
“Estudyante niya sa law school yung lalaki, hindi niya pinayagan si Gian na manligaw sa akin.”
“Ang O.A. naman kasi ng dad mo eh. Sumuko ba siya?”
“Hindi raw siya susuko.”
“Wow, parang knight in shining armor huh.” Sabi ni Alice. “Kung talagang mahal ka niya, matatanggap niya ang lahat-lahat.” Hinawakan ni
Alice ang kamay ng kabigan, “I will pray for you.”
Naabutan ni Cara ang kanyang ama na nanonood ng TV sa salas ng dumating siya sa bahay.
“May relasyon ba kayo ng lalaking yun?” pambungad na tanong ng abugado sa anak niya.
“No, dad.”
“Eh ba’t nasa school ka kanina?”
“Okey, dad, nagkikita kami ni Gian, and he told me his plans, na curious ako sa mga mangyayari kaya tinignan ko.”
“Type mo ba siya.”
“What a question?” sabi ni Cara.
“Type mo ba?” inulit ng abugado ang tanong niya.
“Yes, dad, I like him, matagal ko na siyang nakikita sa school and at first sight, I like him bago pa niya ako makilala.”
“Gusto mo siya dahil guwapo siya, pero tulad ng nasabi ko sayo noon, yang si
Medina, immature.”
“Dad, two years ng walang nobya si Gian, and he told me na at this time seryoso siya.”
“Hay, nagpapaniwala ka na naman, gusto mo na namang mapahamak ulit noh. Kapag nalaman niya ang tungkol sayo, iiwanan ka na niyan.”
“Dad, hindi naman siguro ganon si Gian, bakit ba hindi na lang natin abangan ang pwede niyang patunayan sa atin. Dad, let’s give him a chance… please.”
“Pag-iisipan ko.” Pinagpatuloy muli ng abugado ang panonood ng TV.
Maagang dumating sa classroom si Gian, siya pa nga ang una-unang pumasok sa klase nila, kaya nang dumating si Atty. Simeon ay nagkantiyawaan ang mga kaibigan niya.
“Sir, hulaan niyo kung sino ang unang-una pumasok dito, si Gian Medina.”
“Talaga, aba,
Medina, mukhang madalas na yatang walang traffic sa EDSA.”
“Actually sir, heavy ang traffic sa EDSA.”
“Gusto mo talaga akong pabilibin
Medina.”
“Sir, yes sir. At kahit sabihin niyo pang sa madaling araw ako pumasok, gagawin ko sir.” May paggalang na sinabi ni Gian.
“Sir, mukhang may matinding kailangan sa inyo si
Medina.’ Kantiyaw ni Alvarez.
Ngumiti ang abugado, “Mukha nga. Sige nga
Medina, tutal nagpapakitang gilas ka sa akin, ikaw ang mag-discuss sa article natin ngayon.”
Agad tumayo si Gian sa harapan ng klase at nagdiscuss ng article, napanganga ang mga kaklase niya sa galing ni Gian sa pagpapaliwanag sa article na dinidiscuss nila.
Nang mag-uwian na ay pinaiwan ni Atty si Gian sa classroom.
“Magaling ka naman pala, immature lang.” Sabi ng abugado.
“Yun ba ang problema niyo sa akin, sir, you’re thinking that I’m immature.”
“Isa sa gusto kong matutunan mo sa buhay,
Medina, hindi lahat ng kabutihan ay gagawin mo dahil sa babae, dahil kung ang babae lang ang dahilan mo sa pagiging matured, nagpapanggap ka lang, niloloko mo ang sarili mo, niloloko mo ang mga tao.”
“Okey, isip bata na ako, kung yan ang sa tingin niyo, pero mahal ko ang anak niyo.”
“
Sana nga,
Medina.’
“Sir, ano pa ba ang kailangan kong patunayan sa inyo?”
“Huwag sa akin, Gian. Dahil hindi naman ako ang pakikisamahan mo kundi si Cara.”
“Sir, are you giving me a chance?”
“Are you asking for a chance?”
“Sobra sir.’
“I will give you a chance.” At lumabas na ng kwarto ang abugado.
Naiwan si Gian sa kwarto at sa sobrang saya at napatalon ito.