Chapter 3
Hindi din alam ni Cara kung bakit sa tuwing mapadadaan siya law school ay parang may hinahanap ang kanyang mga mata. Bago siya magpunta sa faculty para ibigay ang pinapakuha ng ama ay luminga-linga siya sa paligid niya at sinilip ang bawat classroom na madadaanan niya, umaasang makikita niya ang kanyang hinahanap.
Sa corridor naman ay naglalakad si Gian at nakita nga niya si Cara na sumisilip sa isang room. Nilapitan niya ito at biglang ginulat, napasigaw si Cara kaya tinakpan agad ni Gian ang bibig nito.
“Shhh, ang ingay mo.”
“Ikaw eh, ginulat mo ako.” Sabi ni Cara.
“Nasa room 202 ang daddy mo.”
“Alam ko.”
“Alam mo? Eh sino yung sinisilip-silip mo riyan?”
Umiling si Cara, “Wala napatingin lang ako.’
Sa room 202 ay lumabas si Atty. at nakita ang dalawa na nag-uusap, “Hoy Medina!”
“Sir.”
“Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot para kausapin ang anak ko?”
“S-sir, sinabi ko lang na nasa room 202 kayo.”
“Alam ng anak ko ang schedule ng klase ko,
Medina. Hindi mo na siya kailangang tulungan pa.”
“Sir, ang over protective niyo naman sa anak niyo.” Paano ko na madidiskartehan yan kung ganyan kayo.
“Dahil responsibilidad ko bilang ama ang protektahan ang anak ko.” Sabi ni Atty.
“Eh sir mabait naman ako.” Depensa ni Gian sa sarili.
“Saka mo patunayan yan, kapag nagreport ka na bukas. Pero sa ngayon, you move five meters away from my daughter.”
“Hala, sir, sobra naman kayo, anong gusto niyo, magsigawan kami ng anak niyo.”
“Bakit sino ba ang nagsabi sayo na pwede kayong mag-usap ng anak ko?”
“Sir sobra ka naman, wala naman akong balak na masama sa anak niyo.”
“Maganda na ang naninigurado,
Medina. Sige, bumalik ka na sa klase.”
Napayuko si Gian, “Yes sir.” At lumayo sa mag-ama.
Nakaramdaman ng awa si Cara sa naranasan ni Gian sa ama, “Dad, sobra ka naman.”
“Katulad ng sinabi ko sayo kagabi, Cara. Yang si Gian Medina, gago yan.”
Napayuko na lang si Cara na parang nalulungkot sa sinapit si Gian.
Nang kagabihan ding yun ay di mapalagay si Gian, ni hindi nga siya makatulog sa kakaisip kay Cara at kaistriktuhan ng ama nito. Napapatingin na lang siya phone na katabi niya, gusto niyang marinig ang boses ni Cara bago man lang siya magreport.
Inangat niya ang phone at nagsimulang I-dial ang land line ni Cara.
Kasalukuyan namang nanonood ng TV ang mag-ama ng mag ring ang phone. Inangat ni Cara ang telepono.
“Hello?”
Napangiti si Gian pagkarinig ng boses na yun.
“Hello?”
“Cara…”
Natahimik si Cara at biglang bumulong sa phone, “Gian, ikaw ba yan?”
“Cara, ang daddy mo?”
“Nasa tabi ko, kakausapin mo?”
“Hindi… ikaw ang gusto kong marinig.”
Napangiti si Cara, na parang may kilig siyang naramdaman.
“Cara… mabait naman ako eh, kaya lang nasasabi ng daddy mo yun kasi palagi akong late sa klase.” Paliwanag ni Gian.
“Eh pagpasensyahan mo na.”
“Cara sino ba yang kausap mo?” tanong ni Atty. sa anak.
“Ah.. dad si
Alice po.”
“Nagkakarinigan pa ba kayo? Ang hina naman ng boses mo.” Patuloy ng ama.
“Ah..o-opo.”
“Cara.” Sabi ni Gian, “Bukas magrereport ako ng mabuti, promise ko yan, pabibilibin ko ang tatay mo.”
Hindi na nakapagsalita pa si Cara, napangiti na lang ito.
“Kung yan lang ang kailangan kong gawin para maniwala siyang mabait ako, gagawin ko.” Dugtong pa ng lalaki.
“Gawin mo yan sa sarili mo, hindi para sa akin.” Sabi ni Cara, “Basta, mag-aral ka na lang ng mabuti, sige bye-bye na baka makahalata pa si daddy.”
“S-sige, good night.” Huling nasabi ni Gian at binaba na nito ang phone.
Bumalik na muli si Cara sa panonood ng TV pero di pa rin maalis sa kanyang labi ang ngiti sa mga narinig kay Gian.
Maaga pa lang ay dumating na si Gian sa klase niya, inayos niya na ang projector na gagamitin niya kaya naman nang dumating si Atty. ay nagulat ito sa pagiging handa ni Gian.
“Ready for your report,
Medina.” Sabi ng abugado sa kanya.
Tumindig si Gian, “Yes sir.” At nagpunta na sa harapan para magreport.
Lahat ng mga estudyante ay naging attentive sa report na ginawa ni Gian, naintindihan nila ito at humanga kay Gian dahil parang isa na itong abugado kung I defend ang kaso.
“And that’s all sir.” Sabi ni Gian.
Nagpalakpakan ang mga kaklase niya dahil sa paghanga sa kinalabasan ng kanyang report maliban kay Atty.
“Actually,
Medina, your report surprised me.” Napangiti si Gian sa narinig niyang papuri muli sa professor niya, “You proved to me that you are a smart person and you can be a lawyer in the future. But sad to say Mr. Medina, maybe you can be a lawyer, but not a good lawyer.”
Nagtaka ang lahat sa sinabi ng professor.
“Hindi sa ayokong tinatanong ako,
Medina. Naintindihan kita, estudyante ka pa lang, pero mas hahanga ako sa report mo kung di ka magtatanong sa akin, matuto kang kumayod mag-isa at magresearch, hindi yung tanong ka ng tanong.”
Yumuko si Gian, “Yes sir.” Buti na lang pala nakuha ko na ang phone number niyo. “Pero sir, mabait na ba ako sa paningin niyo?”
Nag-ngisian ang mga estudyante sa sinabi ni Gian.
“
Medina, hindi ang pag-rereport mo ang magiging basehan ko ng pagkatao mo.” Simpleng sagot ng abugado.
Nagdidinner ang mag-ama ng nagring ang phone.
“Dad, ako na lang.” Pumunta si Cara sa salas para sagutin ang telepono, umaasa siyang ang tumatawag sa kanila ay ang taong inaasahan niyang tatawag ng gabing yun.
“Hello?”
“Hi.”
Napangiti si Cara pagkarinig ng boses n Gian.
“Kamusta ang report mo?”
“Wala bang naikuwento ang daddy mo?”
“Wala, hindi kasi namin pinag-uusapan ang trabaho dito sa bahay.”
“Well, I think natuwa naman siya sa akin, pero he is not satisfied.”
“Mahirap talagang I please yang si daddy, madami kasing demands.”
“Oo nga. Treat kita bukas.” Anyaya ng binata.
‘Ano?”
“Sa coffee shop, sa break natin.”
“Huwag na, nakakahiya.” Sabi ni Cara.
“Puro ka naman hiya, okey lang yan.” Sabi ni Gian.
“Am.. paano ba tayo magkikita?” sabi ni Cara.
“Anong pager number mo?” tanong ni Gian.
Binanggit ni Cara ang pager number niya.
“I pipage na lang kita ha.”
“S-sige. Ikaw bahala.” Sabi ni Cara.
“Good night. I mean super good na ng night ko, ngayong nakausap na kita.’
Napangiti si Cara, “Ganon?”
“Ayaw mong maniwala?”
“Ewan ko, pero sige, good night na rin.” Binaba na ni Cara ang phone.
Pagtingin niya sa may pintuan ay nagulat siya ng makita niya ang ama niya na nakatingin sa kanya.
“Daddy, kanina ka pa ba riyan?’
“May boyfriend ka ba?” tanong ng daddy niya sa kanya.
Umiling si Cara.
“Eh ba’t parang kinikilig ka riyan?”
“Ako? Kinikilig? Dad naman hindi na po ako highschool para kiligin pa.”
“Hoy, kung may boyfriend ka na, ipakilala mo yan sa akin, at kikilatisin ko. Alam mo naman, responsibilidad ko ang protektahan ka.”
“O-opo.”
“Sige, tapusin mo na yang kinakain mo.”
Bumalik na muli si Cara sa pagkain pero habang kumakain ay naalala pa rin ni Cara ang kasiyahang nararamdaman niya habang kausap si Gian..
Tumingin-tingin si Gian sa relos niya, pasado alas-tres na pero wala pa rin si Cara sa coffee shop. Ilang sandali pa ay nakita na niyang pumasok si Cara sa coffee shop.
“I’m so sorry, I’m late, nagkaurgent meeting kasi.” Paliwanag ni Cara sa lalaki.
Inangat ni Gian ang upuan para mapaupo si Cara, “That’s okey. Ano bang gusto mo?”
“Latte na lang.”
Nag-order si Gian ng kape para kay Cara.
“Well, how’s work?” tanong ni Gian sa kasama.
“I’m so busy right now, alam mo naman ang company na yun, masyadong competitive.”
“Hindi naman siguro ako istorbo sayo?” tanong ni Gian sa kanya.
“Of course not. Coffee break naman eh.’
“Am… Cara…
sana wag mong isipin na I’m too fast or what..”
“Bakit ano ba yun?” tanong ni Cara.
“Do you think okey lang sa dad mo kung I will court you?” tanong ni Gian.
Napangiti si Cara, “Why don’t you ask him?”
“Nakakatakot kaya ang dad mo?”
“So you mean naduduwag ka?”
“H-hindi ah, kung ikaw din naman ang nasa posisyon ko, matatakot ka rin.” Sabi ni Gian.
“Natatakot ka kasi alam mong ire-reject ka ni daddy kasi babaero ka.” Pabirong sinabi ni Cara.
“Hindi ah, two years na nga akong di nagkakagirlfriend eh.”
“Ikaw, dalawang taong bakante, maniwala ako sayo.”
“Totoo! Alam kong it’s unbelievable, pero totoo ang mga sinasabi ko.”
“Well kung totoo yan why don’t you ask dad kung maniniwala ba siya sayo.”
Dumating ang kape ni Cara at hinigop niya ito.
“Yun nga ang nakakatakot don eh. Kahit naman yata anong gawin ko hindi maniniwala yang tatay mo sa akin, tingin yata sa akin nun demonyo eh.”
Natawa si Cara.
“Eh ikaw ba?” tanong ni Gian.
“Anong ako?”
“Okey ba ako sayo?”
Nag-isip si Cara, “Ammm… depende kay daddy.”
“Anong depende sa daddy mo?”
“Mas kilala ka ng daddy ko.”
Napakamot ng ulo si Gian, kitang-kita niya na kung gaano siya maghihirap sa sitwasyon niya.