Your Story Haven
Share Your Stories Online
Novels Index      bdhosme-sakanyangpanaginip02
Print this pageAdd to Favorite






 
 
 
 
 


 
Sa Kanyang Panaginip
 
 
 

Chapter 2

            Sa Makati nakatayo ang law firm ng ama ni Gian, nagtratrabaho siya bilang staff sa law firm, parang training na rin sa kanya bago tuluyang maging abugado. Sa isang coffee shop tumatambay si Gian every break para magreview sa kanyang night class sa law school. Habang nagrereview si Gian ay napatingin siya sa table na malapit sa kanya kung saan nakaupo ang anak ni Atty. napangiti si Gian sa nakita, di niya akalain na makikita niya ang babaeng yun sa coffee shop. Tahimik na nagbabasa ng magazine ang babae at kahit nahihiya-hiya pa ay hindi na pinalampas ni Gian ang chance na makipagkilala sa babae.

            Tumayo siya sa kinauupuan niya, dinala ang libro at kape niya at lumapit sa babae. “Hi!” lumingon ang babae at napakunot ng noo, tila kinikilala ang lalaking lumapit sa kanya.

            “Have we met?” tanong ng babae.

            “Yah, sa law school, ako yung nakabangga sayo, saka estudyante ako ng daddy mo, si Atty. Simeon.”

            “Oh, I, see. Take a seat.’ Anyaya ng babae.

            Sa pag-upo ni Gian sa tabi ng babae ay napa-usog ang babae papalayo sa kanya. Hindi alam ni Gian kung nadidiri ba sa kanya ang babae sa ginawang paglayo nito sa kanya, hinayaan na lang niya yun at inisip niya na siguro ay medyo ilang pa sa kanya ang babae.

            “I’m Gian Medina, nagwowork ako riyan sa Medina Law Firm.”

            “I’m Cara Simeon, doon naman ako sa San Carlos Corporation nag-wowork.”

            “I know, balita ko nga Marketing Assistant ka ron.”

            “Oh, so, natsitsismis na pala ako sa school niyo.”

            “Hindi naman masyado.” Inayos ni Gian ang upuan niya palapit muli kay Cara pero umusog uli si Cara palayo sa lalaki.

            Hindi na lang pinansin ni Gian ang pag-usog na iyon ni Cara, “Break niyo?”

            Tumango si Cara, “Coffee break.”

            “Are you always alone here?’

            “Ahmmm… yah, hindi ko kasi ma-getz ang mga trip ng mga co-workers ko, saka siguro talagang introvert person ako, hindi ako mahilig makisalo sa mga tao.” Sagot ni Cara.

            “Hmmm… nakakabaliw yun. Pero mas una na yata akong mababaliw sayo, sa kakaaral nito.” At tinuro niya ang law book na binabasa niya.

            Napangiti si Cara, “Mahirap talaga ang law, kaya nga when my I dad asked me if I want to go law, I refused it, hindi kaya ng utak ko ang law.”

            “Eh ba’t mo naman naisipan ang Marketing? Eh introvert ka di ba? Marketing is more in meeting different people.”

            “Actually noong highschool ako I really loved meeting people, pero siguro wala na akong magagawa ito na yung course ko eh, paninindigan ko na lang.’ Tinignan ni Cara ang relos niya, “I have to go back to work, by the way nice knowing you, Gian.’

            Ngumiti si Gian at sinamahan ang babae palabas ng coffee shop. Pagkalabas ni Cara ay di pa rin maiwasan ni Gian ang mapatingin sa babae, parang heaven ang makilala niya si Cara kahit sandali lang.

 

            Sabado, himalang maagang pumasok si Gian sa classroom na ikinagulat ni Atty. Simeon.

            “Wala bang traffic sa EDSA, Mr. Medina?” tanong ni Atty.

            “Actually, Atty., matindi ang traffic sa EDSA, napaaga lang ako ng dating.”

            “Maaga ka yatang gumising?” sabi ni Atty.

            “Inspirado lang sir.” Sagot ni Gian.

            “In love?” tanong muli ni Atty. ”Ang malas naman ng babaeng yan.”

            “Sir naman, wag kayong magsalita ng ganyan. Mabait naman ako eh.’ Sabi ni Gian.

            “Talaga lang ha. Okey, kung talagang mabait ka, may ibibigay ako sayong case na kailangan mong I-report at I-defend next week.’

            Sumaludo si Gian, “Okey sir.” Confident siya sa sagot niya, kahit alam niyang mahirap mag-report kay Atty. Simeon dahil sa kastriktuhan nito, inisip niya lang kailangan niyang babilibin ang abugado.

 

            Sa pintuan ng faculty ay hinihintay ni Gian ang pagdating ni Atty. Simeon upang humingi ng tulong tungkol sa gagawin niyang report. Ilang sandali pa ay dumating ang abugado, “ Medina, anong ginagawa mo rito? Dapat hinahanda mo na ang report mo for next week.”

            “Amm.. sir yun nga eh, kasi sir, mahirap din yung case na inassign niyo sa akin, at may mga terms na hindi ko maintindihan.”

            “Ano ba yung mga terms na yun para ma-discuss ko naman sa iyo.”

            “Amm, sir, madami-dami din eh, sir ganito na lang, ibigay niyo na lang yung land line niyo sa akin para kung may question man ako itatawag ko na lang sa inyo.”

            Nagtaka ang abugado sa pinapakitang kasipagan ni Gian, “Ano bang nakain mo at ngayon lang kitang nakitang kasigasig sa pag-aaral.”

            “Sir, masipag naman talaga ako mag-aral eh, namimis-interpret niyo lang ang pagiging late ko.”

            “Hindi ko namimis-interpret ang pagiging late mo Medina, late comer ka talaga.” Kumuha ng papel ang abugado at sinulat doon ang phone numbers niya at ibingay iyon kay Gian. “Oh, andiyan na ang mga numbers na pwede mong tawagan, ang local ko sa faculty, ang beeper number ko at ang phone ko sa bahay.”

            “Phone niyo sa bahay?” pangiting nasabi ni Gian.

            “Oo, kung wala ako dito ay nasa bahay lang ako.”

            Napalaki ang ngiti si Gian, “Thank you sir, promise po gagalingan ko po ang report ko.” At agad umalis si Gian na may labis na katuwaan sa mukha niya.

 

            Nakahiga sa kama si Gian habang tinitignan ang papel na binigay sa kaniya ng prof niya. Kinuha niya ang libro niya at tinawagan ang phone ni Atty. sa bahay.

            Sa bahay naman ng abugado ay nanonood ng T.V.  ang mag-ama nang tumunog ang phone, dahil sa katabi lang ni Cara ang telepono ay siya na ang nag-angat nito.

            “Hello?”

            Napangiti si Gian sa narinig niyang boses, alam niyang si Cara ang nasa kabilang linya.

            “Hello? Hello?”

            “Amm,, Hello? Good evening, si Atty.?” sabi ni Gian.

            “Ah, sandali ha.” Pinasa ni Cara ang phone sa ama niya, “Dad, sayo.”

            Mas lalong napangiti si Gian ng masigurado niyang si Cara ang nakasagot ng phone.

            “Hello?” kinabahan naman siya pagkarinig sa boses ng abugado, ang tindi naman nito hanggang sa telepono nakakatakot ang boses.

            “S-sir, si Gian Medina po ito.”

            “Oh, Medina may tanong ka ba?”

            Sinabi ni Gian ang tanong niya sa abugado at inexplain naman ito sa kanya.

            “Other questions?”

            “W-wala na po sir, thank you po.”

            Pinababa na ng abugado ang phone at nagpatuloy sa pinapanood.

            “Estudyante?” tanong ni Cara.

            “Si Gian Medina, may tinatanong tungkol sa report niya.”

            “I met him last week sa coffee shop, he is working pala in Medina Law Firm”

            “So you met him, ang batang yun, di man lang nabanggit sa akin.’

            “He seems a nice person, dad.’

            “Beware, gago din yung batang yun.”

            “Talaga?”

            “Oo, kaya sa susunod na magkita kayo, sabihin mo sa kaniya, na layuan ka na niya.’

            Napangiti lang si Cara, na parang ayaw sundin ang warning ng ama.

 

 
 
 
Cover Page   Chapter 1   Chapter 2   Chapter 3   Chapter 4   Chapter 5   Chapter 6   Chapter 7   Chapter 8
 
 
 
 
VISITORS ONLINE 
 
YSH SHOUTBOX

 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
LOVE MATCH AUTHORS' LINKS
 
 
 
 
 
 
 
 
**Contact us if you want your link included here
 
 
 
spam blocker
 
All contents of this site are copyrighted by Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.