“Shocks nawawala ang files ko?!” gulat na sabi niya matapos malaman na nawawala ang files kung saan nakalagay ang mga importanteng dokumento sa desks ng opisina niya.
“God hindi maaaring mawala iyon dahil napakaimportante nun!” Importante talaga iyon dahil duon nakalagay ang monthly income ng kompanyang ‘Emerald Enterprises’. Siya ang tumatayong Auditor-in-chief doon kaya nasa kanya ang mga iyon.
Bigla siyang nagulat ng tumunog ang telepono sa opisina niya. Agad niyang sinagot iyon.
“Hello, Good afternoon welcome to Emerald Enterprises. How may I help you?” tanong
niya sa caller.
“This is the secretary of the president, we have a emergency meeting at exactly 4 o’clock in the afternoon at the conference room. We expect all of you there. That’s all thank you,” sabi ng caller sabay putol ng linya.
Lalo siyang nataranta dahil baka tanungin siya ng president about the monthly income ngayong buwan.! Nag isip siya ng nag isip kung san niya iyon nailagay o naiwan. Hangang sa Makita niya ang mga Xerox paper sa ibabaw ng table niya. Aha baka nandun sa Xerox center! Nasabi niya sa sarili.
Agad niyang pinuntahan ang Xerox center. Pagdating niya doon ay nakita ka agad ang mga files na hinahanap niya. Nayakap niya ito sa sobrang tuwa. Nabitawan niya lang iyon ng marinig ang dalawang kaopisina niya. Hindi sinasadyang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nasa iisang room lang sila.
“What? Sure ka ba diyan sa sinasabi mo? Sayang magaling at mabait naman siyang boss.” Narinig niyang sabi ng isang babae.
“ Oo nga eh. Pero usap-usapan na gwapo at single ang papalit sa kanya” kinikilig na sabi naman ng isa pang babae.
Hindi na siya nagtagal dun dahil hindi naman niya ugaling makinig ng usapan ng iba. Pero malaking katanungan ang sinabi ng dalawang babae.
Nagtrabaho muli siya. Mahigit kalahating oras na siyang nagtratrabaho ng tumunog ang telepono niya. Agad sinagot niya iyon.
“Hello, Good afternoon welcome to Emerald Enterprises. How may I help you?” tanong niya sa caller.
“Magsipunta na po ang lahat ng employes sa conference room. After 5 minutes we are going to start our meeting”Sabi ng secretary ng president.
Agad niyang inayos ang gamit niya at pinuntahan muna ang bestfriend niyang si Karen na nasa kabilang cubicle.
“Bhezt sabay na tayo pumunta sa conference room” sabi niya sa kaibigan pagkakita dito na nag aayos na rin ng gamit nito.
“Ok na ko bhezt halika na” sabi naman nito. Magka hawak kamay silang pumunta doon . Matagal na niyang best friend ito,since High School pa sila.
“Bhezt tungkol saan kaya yung emergency meeting natin? Tanong niya dito
“Ewan ko nga bhezt eh. Pero kinakabahan ako” sagot naman nito.
Nakarating na sila sa conference room. Nandoon ang lahat ng Managing Directors pati ang Vice at President nila..
Tahimik silang naupo sa bakanteng upuan doon. Ilang sandali lamang ay nagsimula na ang meeting. Nauna ng nagsalita ang secretary ng president nila.
“Good Afternoon. I think all of the employes are here now so we can start our meeting. Our president have a important and emergency announcement so let us listen to Mr. Delos Santos,” sabi nito
“Uhmm. Good Afternoon to all of you. Like what my secretary told to you, I have my important and emergency announcement. I hope hindi kayo ma shock o kaya naman ay mahimatay” pagpapatawa nito dahil para na rin matanggal ang tension at kaba na nararamdaman nila dahil minsan lang magpatawag ng emergency meeting ang management kaya lahat sila ay nagtataka.
“Ok. So alam niyo naman na matanda na ako at mahihirapan na rin akong magtrabaho. Tapos nalaman ko pa na may stage 4 cancer na ako nung isang taon
pa.” napasinghap silang lahat sa nalaman. Ibig sabihin ay may taning na ang buhay ng boss nila!
“So I decide to retired and pass my position to my beloved nephew. Don’t worry because he is also a handsome like me.” Tawanan ang lahat sa huling sinabi nito.
“So kailangan nating maghanda ng farewell party at welcome party sa Saturday” sabi naman ng secretary nito na katabi nto.
“Bhezt tayo ang pinakamalapit naempleyado kay Sir. Bigyan kaya natin siya ng gift?”bulong sa kanya ni Karen
“Oo nga bhezt pareho tayo ng naiisip” bulong niya ring sabi. Nagusap-usap pa silang lahat bago nagsiyakapan sa aalis na boss nila.
“Sir mamimiss po talaga naming kayo”sabi niya pagkayakap dito.
“Oo nga sir, ngayon pa lang ay namimiss na naming kayo eh” sabi naman ni Karen. “Kayo rin girls mamimiss ko. Aba’y kayo ang pinaka ka close ko dito. Pero wag kayong mag-alala dahil sabi ko nga gwapo ang pamangkin ko na papalit sa pwesto ko”nakatawang sabi nito
“Basta sir magpagaling kayo ha!” ani Althea.
“Alam mo anak, sa stage ng cancer ko, alam kong hindi na ako tatagal sa mundong ito kaya wag sana kayong mabibigla kung mabalitaan niyo na lang na patay na ako.”seryosong sabi nito
“
Aba sir huwag naman po kayong mag-isip ng ganyan” sabi naman ni Karen
“Eto lang
sana ang gusto kong gawin ninyong dalawa. Ikaw Karen
sana ay magkatuluyan na talaga kayo ni sam at wag ng magpakipot pa sa isa’t isa. At ikaw naman Althea wag mo sanang mamasamain ha.
Sana ay magkatuluyan kayo ng pamangkin kong ito na papalit sa akin. Bagay na bagay kayo kaso lang babaero yun pero pag pasensyahan mo na kasi na broken hearted yun nung binata pa siya. Kagaya mo” mahabang sabi nito
“Susubukan ko po kung makakaya ko siya” sabi ko.
Nag usap-usap pa silang lahat bago napagpasyahang umuwi na. Kinabukasan, Friday na iyon kaya kailangan na nilang maghanda para sa farewell at welcome party. Pag dating niya sa opisina ay sinabi sa kanya ka agad ng baklang best friend niya rin na kailangan nilang mag over time. Akmang tatawagan na niya ang mommy niya ng biglang ma low bat iyon. Naiinis na binato niya iyon.
Ano bayan kung kailan kailangan gamitin tsaka na low bat hmmp.! Inis na sabi niya sa sarili pumunta siya sa desk ni ryan, ang baklang best friend niya.
“Ryana, pahiram naman ng cp mo oh mag tetext lang me sa mommy ko baka mag alala yun pag di ako nakauwi ng tama sa house.” Ryana ang gustong ipatawag ni ryan sa kahi sino pati ang boss nila ay ryana ang tawag ditto.
“ Mmm… masunurin ka tlaga sa magulang mo. Kaya kahit buhay pag ibig ay sila palagi ang nasusunod. Maraming bawal dito, duon. Iba na talaga kapag apple of the eye ka ng magulang mo noh” mahabang sabi nito bago ibinigay sa kanya ang cellphone nito
“Kelan ka nga ba sumuway sa magulang mo pagdating sa pag ibig?” bulong na sabi nito pero kahit bulong lang iyon ay narinig niya pa rin iyon pero hindi na niya iyon pinansin. Tinext na niya ang mommy niya at sinabing malelate siya ng uwi. Pagkatapos niyang mag text ay agad niyang binalik iyon. “Ilang taon ka na nga ba ulit? 28? Nagkaroon ka na ba ng bf? Hay buhay talaga..”naiiling na sabi nito
“Bahala ka na nga ‘dyan sa mga iniisip. Hmm teka kayo pa rin ba ni mike?” tukoy niya sa kasalukuyang boyfriend nito.
“Thea? Mahilig ka talaga mag-iba ng topic noh? Akala mo di ko halata yun?” sabi nito sabay tawa
“Ay ewan ko sayo!” sabay alis sa desk nito at pumunta sa desk niya. Ilang oras na din ang nakalipas bago niya namalayan ang oras. Its almost 12 midnight na ng gabi. Agad niiyang pinuntahan sina Karen at Ryana. Nakita niya ang mga ito na nag uusap. Narinig niyang binangit ni Karen ang pangalan niya kaya hindi muna niya pina alam na naroon na siya. Pinakinggan muna niya ang mga ito.
“Ryana?” untag dito ni Karen
“Hmm?”
“Paano pag nalaman niya na dumating na dito si Raphael?” tanong nito.
Napasinghap siya. Masyado atang malakas kaya napalingon ang dalawa kung saan naroon siya. Hindi siya makapagsalita. Si Raphael dumating na! Hindi pa siya ready makita ito kahit sabihin na its almost a year.
Napatingin siya sa dalawang kaibigan na halatang nagulat din.
“Kanina ka pa?” tanong sa kanya ni Karen
“Nope kararating ko lang. Is that tue na he’s back?” tanong niya
Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumagot. “yes”. Muntik na siyang himatayin sa kompirmasyon na iyon. Mabuti na lang at agad na umalalay ang dalawang kaibigan niya.