Your Story Haven
share your stories online
Miss Gem Page      saythatyou13
Say that You Love Me
by Miss Gem
 
 
 
Chapter 13
 

          “Heto ang bayad manong, keep the change po. Pakitulungan nyo na lang po ako sa bagahe ko,” turan ni Gery sa may katandaang taxi driver. Alisto naman nitong kinuha ang bayad niya at tinulungan siya sa kanyang maleta at isang balik-bayan box na maibaba mula sa back compartment ng taxi.

          “Salamat po!” Masigla siyang nagpasalamat dito.

          “Walang anuman po. Salamat po sa autograph, matutuwa ang asawa ko nito,” magiliw din siyang sinaluduhan nito pagkatapos ay umalis na. Nang makaalis na ang taxi ay huminga siya nang malalim. Nakangiting tiningala niya ang mataas na condominium complex. One month lang ang documentary niya sa Macau ngunit pagkatapos niya lagyan ng storya ang nagawang documentary agad siyang nag-file ng 5-month leave. Nagpaiwan siya doon at nanirahan sa isang simpleng apartment nang nag-iisa. Pinuntahan niya ang mga lugar na gusto niyang puntahan. Nagliwaliw siya sa buong bansa at naintindihan naman iyon ng pamilya niya. Bukod sa pamilya niya, wala na siyang pinagsabihan sa bagong mobile number niya doon kaya wala sinuman sa mga kakilala niya ang may balita sa pagdating niya. Sinadya niyang magtago sa lahat para hanapin ang sarili.

          Pero ngayong nasa harapan na siya ng condo unit, kailangan na niyang harapin ang mundo. She needs to report to work kung hindi ay masisisante na siya. Masaya siya at kahit papaano ay nakatulong ang independence niya para makapag-isip. Hindi niya alam kung nakapag-move on na siya but one thing is sure, she needs to face the world.

          Huminga nang malalim si Gery nang mag-on ang lahat ng ilaw sa loob ng silid. Wala pa ring nagbago. Gaya pa rin noong iniwan niya. Ngunit kailangan niyang mag-general cleaning dahil maalikabok na ang lahat ng gamit. Pagkatapos mailapag ng dalaga ang maleta sa paanan ng kama niya, tinungo niya ang answering machine at ini-on.

          Hello, this is Gery. I’m out of country right now, please leave a message.

          Narinig muna niya ang long beep bago niya narinig ang boses ni Francis.

          Hi Gery! Kumusta ka na? Naiintindihan ka namin kung bakit kailangan mong magpakalayo-layo. It could be easier to cut yourself from the world, right?

Napangiti si Gery habang nakatayo at nilibot ang tingin sa na-miss na silid.

…Wow, its been 6 months now. I miss your presence. Pasensiya na kung hindi mo ‘ko nakikita ngayon sa condo mo. I just left this message na hindi ko alam kung kailan mo mababasa, to tell you na lumipat na ‘ko sa isang architectural firm sa Baguio. Malapit sa pamilya ko at siyempre malapit kay Sam na kasalukuyan ngayong  nagpapatayo ng clinic sa Session Road. In case hindi mo pa alam, sinagot na niya ako bago ka pa lang umalis. You just can’t imagine how happy I am, Gery.

Nagulat siya sa narinig ngunit napangiti na rin. Halata sa boses nito ang sobrang saya and she’s happy for the two. Francis is one lucky guy in the world. Napasakanya ang babaeng matagal nang iniibig. Biglang kumirot ang puso niya sa naisip.

Pagkatapos ng long beep ay nawala na boses ni Francis. Sumunod niyang narinig ang boses ni Nathaniel. Automatiko siyang napangiti. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Hello Gen! I miss you so much! How are you? Tinupad mo talaga ang sinabi kong work less ang rest more. Nasobrahan naman yata ang pagpapahinga mo.

Sa gitna ng tumatawang boses ni Nat ay nahagip ng paningin niya ang kulay faded blue na box na nakapatong sa kama niya. Nagtatakang nilapitan niya ito at umupo sa gilid ng kama.

…You really need to report as soon as possible kung hindi mawawalan ka ng guwapong director. Enjoy Gery, see you soon!

Binuksan ni Gery ang box at tumambad sa kanya ang ngayon lang niya nakitang mga sulat. Sigurado siyang hindi niya mga gamit iyon. Instinct told her to open the letters. Agad na nangunot ang noo ng dalaga nang mapagsino ang sumulat nito. Kinakabahang binuksan niya ang mga sulat at binasa.

 

February 20, 1998

 

Dear may,

            Malapit na ang prom night pero nag-away naman tayo. Hindi ko maintindihan bakit nagkagusto ka sa  mayabang na Marvin na ‘yon. Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala sa akin? Palibhasa kasi ang tingin mo sa akin parang kapatid na kaya hindi mo nakikita ang nararamdaman ko sayo.

            may, can you be my prom date?

Pay

 

December 25, 1999

 

Dearest Mamay,

            Alam mo, habang tumatagal mas lalo kang gumaganda sa paningin ko. Nagseselos na nga ako sa lahat ng mga lalaking umaaligid sayo eh. Ang sarap nilang pagsasapakin.

            Last Christmas natin ‘to sa highschool, sana nakita mo na ang singsing na nilagay ko sa ilalim ng desk mo, sana na-gets mo kung bakit stuffed toy na kamay na may nakasulat na ‘under your desk’ ang ibinigay kong xmas gift sayo. Merry Christmas, may…

 

Pay

 

February 14, 1999

 

My may,

            Happy Birthday! Sana nag-enjoy ka sa trip natin sa flower farm. Alam kong mahilig ka talaga sa bulaklak.  I intentionally took ang picture of you kanina habang hawak-hawak mo ang napakaraming calla lily. Inilagay ko ang picture mo sa wallet ko.

            I love you, may…Happy Valentine’s Day. Sana ako ang Valentino mo…

Pay

 

July 15, 2000

 

May,

            It’s our 7th friendship anniversary! Hindi mo siguro binibilang pero ako bilang na bilang ko. College na tayo and I feel I’m losing you because you’re too busy with your cheering squad and badminton games. I can’t get near you at hindi mo naman napapansing palagi na lang akong binabara ng ka-teammate mong si Jeff na matagal nang napapapansin sayo.

            Nasasaktan ako may… isipin lang na sasagutin mo si Jeff.

 

Pay

 

November 10, 2001

 

May,

            Ito na yata ang pinakamalungkot kong birthday. Hindi mo ‘ko kinakausap at hindi umepekto sayo ang playboy image ko. Hindi ka man lang nagselos at pinagtawanan mo lang ako sa harap nina Acis at Sam. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? Iyon ay ang makita kang hinahalikan ni Jeff sa badminton court kanina. Pinuntahan kita do’n para magtapat na sayo sa mismong birthday ko.

            Kung ganito kasakit mahalin ang isang bestfriend may, ayoko ko na…suko na ako sa pagmamahal ko sayo.

            Alam kong hanggang sulat lang ako at hindi ito makakaabot sayo. Kasi kahit kailan gago ako eh.

 

Pay

 

March 11, 2004

 

May,

            I’m sorry…Patawarin mo ‘ko sa lahat ng sinabi ko sayo. You’re the last person I would hurt in this lifetime, may. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong magalit sayo ‘nong malaman kung all these years mahal mo pala ako. Ngayon ko pa nalaman na ginawa ko na ang lahat para kalimutan ka. Ngayon pa na binura ko na ang ideyang  pwedeng maging tayo. I’m so stupid, may…gago ako! Tanga ako! Loser ako! Kung sana sinabi ko na sayo noon pa, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Hindi sana masisira ang pagkakaibigang naging sandigan ko na para sumaya.

            may, pinarusahan na ako ng Diyos…dahil iyong taong akala ko pumalit na sa puso ay kapatid ko pala…kapatid ko si Sam! At hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng pinagdadaanan ko kung wala ka sa tabi ko. Para akong nalumpo may.

            Patawarin mo ‘ko sa lahat. Patawad…

 

Pay

         

Hindi makapaniwalang napatakip ng bibig si Gery sa lahat ng nabasa. Automatikong bumalong ang mga luha niya sa mga mata. Sa isang iglap bumalik ang lahat ng sakit at frustrations sa dibdib niya.

Nag-long beep na naman ang answering machine at boses ni Sam ang narinig niya.

Kumusta ka na, Gery? Miss na miss na kita. You are really one extraordinary girl. Kaya siguro sobra kang minahal ng kapatid ko…Nilagay ko sa kama mo ang mga sulat ni Rafael na hindi niya naibigay sayo noon. I cried when I read those letters. I’m sorry Gery, pinili kong maging manhid sa nararamdaman mo para sa kapatid ko. Isa siguro ako sa mga taong nakapagpasya sayo  lumayo ka. I don’t know when will you be coming home kaya hindi ko alam kung kailan mo mababasa ang mga sulat na yan…and it could be too late for both of you…mahal na mahal ka ni Raf, Gery...at nasasaktan ako sa naging katapusan ng pag-iibigan ninyong dalawa…

          Mas bumalong ang mga luha ng dalaga sa pingi nang marinig iyon. Mahal mo ako noon pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi kita pinaniwalaan noon, pero ngayon na hawak-hawak ko na ang mga sulat na ‘to, hindi ko maintindihan kong bakit tinago mo ang lahat? Bakit, Raf? Sigaw ni Gery sa isipan na animo’y kinakausap ang mga sulat at mga candid pictures niya. Kinuha niya ang mga ito at niyakap na para bang si Raf iyon. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit at pagkahabag sa sarili. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang singsing sa loob ng kahon at isinuot sa palm stuffed toy na kinuha niya sa bedside table. How ironic! You’ve hidden this ring under my desk the day I saw you holding hands with another girl. Gago ka talaga! Kulang na lang ay humagulgol siya sa sobrang frustration. Paano na naman niya matatanggap ang mga nababasa niya ngayong huli na ang lahat dahil alam niyang nagpakasal na si Rafael kay Nancy. Now, it’s too late…

          Pumalit sa boses ni Sam ang boses ng ina na labis niyang pinagtaka.

          Geraldine anak, nagtataka ka siguro kung bakit nagvoice message pa ako pwede naman kitang tawagan agad. Hindi ko kasi alam kung pa’no ko sasabihin ‘to nang hindi ka masasaktan at maguguluhan. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo ni Raf, alam ko kung kailan nahulog ang loob mo sa kanya. Nakita ko ang bawat ngiti mo, lalong lalo na ang mga luhang tinatago mo sa akin sa tuwing nasasaktan ka sa pagmamahal na ‘yon. Ina mo ako Gery. Kilala kita…at kilala ko rin ang lalaking minahal mo. Isang lalaking marunong humarap at magsisi sa pagkakamali. Hindi ko pa nasasabi ‘to sayo noon pero…nang malaman ni Rafael na paluwas ka na ng Manila, hinabol ka niya sa bus station ngunit hindi ka na niya naabutan. Umiiyak siyang lumuhod sa harapan namin ng papa mo noon, humihingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya sayo. Kaya marahil nagtataka ka kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya, kasi alam ko na matagal ka na rin niyang mahal, nahihirapan lang siyang aminin dahil takot siyang masaktan. Patawarin mo ‘ko kung ngayon ko lang sinabi ‘to. Ngayon na alam kong sobra kang nagdurusa. I’m sorry, anak.

          Napatakip si Gery ng bibig upang pigilan ang paghagulgol. Bakit ngayon pa niya narinig ang mga ‘to? Ngayon pa na huli na ang lahat!

          Nag-long beep na naman at muli niyang narinig ang boses ni Acis.

          Gery? Alam mo bang galing ako sa inyo? Hiningi ko sa mama mo ang number mo sa Macau pero hindi talaga nila binigay sa akin. Huwag na daw kitang distorbohin sa pananahimik mo. You know what, nakausap ko ang papa mo. Hindi man niya masabi sayo na mahal na mahal ka niya, nabanggit niyang miss na miss ka na niya. Anyway, that’s not the reason why I called you. May dapat kang malaman.

          Natigil si Gerry sa kanyang pag-iyak nang marinig ang malungkot na boses ng kaibigan.

          …Hindi natuloy ang kasal nina Raf at Nancy, Gery…

          Nahigit niya ang hininga sa narinig at ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

          …Hindi sinipot ni Nancy ang kasal. Isang sulat na lang ang natanggap ni Raf mula kay Nancy saying she’s already out of the country.

          Hindi tumigil ang pagluha ni Gery habang nakikinig kay Acis. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama at nakatingin sa kawalan. Nag-long beep na naman ang machine at namayani ang katahimikan sa silid.

          Helo Gery…This is Nancy…

          Nahigit niya ang hininga nang marinig ang malungkot na boses ng babae.

          …Kaya siguro malakas ang loob kong tawagan ka kasi alam kong matatagalan pa bago mo maririnig ‘to. Noon hindi ako naniniwalang may mga taong halos magkapareho ng ugali at pagkatao.  But now I do, because we both decided to isolate ourselves. We chose to leave to save our hearts. Sana bumalik kang buo…buo para kay Rafael, para sa “Pay” mo…Yeah, I already know everything. ‘Yon ang dahilan kung bakit pinili kong sumuko. Wala sa kalingkingan ang pagmamahal ko kay Rafael kumpara sa pagmamahalan ninyong dalawa. Wala akong hihilingan pa kundi ang kaligayahan ninyong dalawa. Bye, Gery…

          Nawala ang boses nito ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay muli itong nagbeep at narinig niya ang boses ni Rafael. Halos isuka ni Gery ang puso sa nadaramang matinding kaba.

          May…

          Husky at napakababa ng boses ng binata na tila ba matagal na hindi nagamit ang boses. Ramdam ni Gery ang matinding kalungkutan sa boses nito.

          Andiyan ka ba? Tapos na ang lahat, may…Tanggap ko na ang lahat ng nangyari at sisikapin kong mag-move on para sa ikabubuti ng lahat. Gaya ng ginawa ko noon, muli ko na namang isinusuko ang pagmamahal ko sayo. If fighting for this love would only hurt and push you away from me, I don’t want it anymore. Sana lang makita kita bago ako umalis…Mag-iingat ka palagi, may…I love you so much…

            END OF MESSAGE

          Napatayo si Gery nang marinig ang beep at mawala ang boses ng lalaking pinakamamahal niya. Sinugod siya ng matinding panic just thinking na hindi na niya muling makikita si Rafael. Napahawak siya sa nananakit na ulo at hindi mapakaling naglakad nang paroo’t parito. Matinding katahimikan ang pumuno sa buong silid at halos marinig ng dalaga ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

          Laking gulat niya nang bumukas ang main door at bumungad sa pinto si Acis.

          “Francis?!” Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan niya ito at hinawakan sa braso.

          “Gery? Kailangan ka pa nakabalik?” Gulat na gulat ang mukha nito. Nawala na sa isip niya ang mahigpit na yakap ng kaibigan dahil sa sobrang taranta sa mga nangyayari.

          “Ngayon lang…But Acis wait, am…alam mo ba kung nasan si..si Rafael? Na..narinig ko lahat ng mga voice messages ninyo. Totoo bang umalis na siya?” Nabubulol na tanong niya sa kaibigang agad napalis ang saya sa mukha. Hindi ito sumagot at malungkot lang siyang tinitigan.

          “Hoy Acis, ano? Magsalita ka, tell me kung nasan si Raf. Kailangan ko siyang makita, please!”

          “Gery, kahit ano pang sabihin mo kay Rafael ngayon, hindi ka na niya maririnig.”

          “Ha? Bakit? Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa kanya?” Halos hindi na siya makahinga sa sobrang kaba sa mga sandaling ‘yon.

          “Nasa ospital siya ngayon. Kaya nga napaluwas ako ng Manila last month para dalawin at bantayan siya. Gery, isang buwan nang comatose ni Rafael.”

          “What?” Nahintakutang bulalas niya.

          “Nag-overdose siya ng sleeping pills. Nagtangka siyang magpakamatay.”

          “Oh my God! Diyos ko!” Napatakip si Gery ng bibig at agad napahawak sa balikat ng kaibigan dahil pakiramdam niya para siyang matutumba. “Acis, I need to see him. Dalhin mo ‘ko sa kanya, please!” Umiiyak na pakiusap niya sa kaibigang nahahabag ding niyakap siya.

 

          Dinala siya ni Acis sa isang pribado at kilalang ospital sa Quezon City. Nanghihina man ang tuhod ay sumunod pa rin siya binatang sumakay ng elevator at huminto sa 5th floor ng gusali. Dinala siya nito sa isang pasilyo na purong puti ang kulay ng pader at mula roon tanaw na tanaw niya ang matandang nakaupo sa labas ng isang private room. Nag-angat ito ng mukha at nakilala niyang si Yaya Marcy pala ito.

          “Gery? Gery, anak, ikaw nga!” Masayang tumayo ang matanda at puno ng pagmamahal siyang sinalubong ng yakap. Hindi niya mapigil ang emosyon, umiyak siya sa balikat ng matanda. Isa ito sa mga saksi sa pagkakaibigang nabuo sa pagitan nila ni Rafael.

          “Yaya…si Pay, yaya…”

          “Shhh...tatagan mo ang loob mo, anak. Nasa loob si Rafael. Kausapin mo siya, sabihin mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo. Alam kong maririnig ka niya.” Anito at kumalas na ng yakap.

          “Sam…” Namataan niya si Sam sa tabi ni Acis at umiiyak din niyang niyakap ito.

          “Gery, I’m so happy dumating ka na. Kailangan ka ng kapatid ko ngayon.”

          Tinignan muna niya ang nakangiting mukha ng tatlo bago pinihit ang door knob ng silid.Maaliwalas ang buong silid na dulot ng purong puting pintura at kurtina sa glass window nito. May sofa at maliit na kama. Nakita rin niya ang mga prutas at bulaklak sa mesang nakadikit sa pader. At nandoon sa gitna ng silid ang nakahigang katawan ni Rafael sa purong puti ding kama. may nakakabit na dextrose sa wrist nito at kung ano-ano pang kable. Kung hindi lang ito nakasuot ng ospital gown, aakalain niyang mahimbing lang itong natutulog.

          Pero isang buwan na itong hindi nagigising! At hindi niya alam kung magigising pa ito o tuluyan na itong mawawala sa buhay niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya sa isiping iyon. Nanginginig ang buo niyang katawan habang lumalapit sa kama. Dahan-dahan niyang ginagap ang malamig nitong kamay. Kahit anong gawin niyang paglimot, ito pa rin ang sinisigaw ng buong pagkatao niya.

          “P..Pay…Naririnig mo ba ako? I’m here, nagbalik na ‘ko. Gumising ka na.” Mahina pa niyang niyuyogyog ang balikat ng maputlang binata. “Pay, huwag kang bumitaw. Huwag mo muna akong iwan.” Lumuluhang hinaplos niya ang mukha nito. “Ngayon pa na nabasa ko na ang mga sulat mo, ngayon pa na naniniwala na ako sa pagmamahal mo. Pay, bakit mo ginawa ‘yon? Pa’no ako mabubuhay nang wala ka?” Yumuko si Gery at humagulgol sa braso ng binata habang mahigpit na nakahawak sa kamay nito.

          “Just say that you love me, may…”

          “I love you so much! Mahal na mahal kita. Kailanman hindi nawala ang pag---“ Agad napaangat ng mukha ang dalaga nang ma-realize na narinig niya ang boses ng binata. Walang pagsidlan ang saya niya nang makitang nakangiting nakatitig si Rafael sa kanya, buhay na buhay!

          “Pay?! Thanks God, nagising ka na!” Sa sobrang tuwa, mabilis niyang siniil ng halik si Rafael at mahigpit na niyakap kahit nakahiga pa ito sa kama.

          “Outch! My stitches…” Agad siyang napaigtad nang umungol ang binata. Nagtatakang kumalas siya ng yakap sa namimilipit na lalaki.

          “Stitches? A..akala ko ba comatose ka?” Maang na tanong niya sa binatang mukhang okay naman.

          “Comatose? Sino naman ang nagsabi sayo niyan? Nagpapahinga lang ako dahil kagagaling ko lang sa operasyon. My appendicitis and gall bladder were removed.” Napapangiwi ang binata habang sinisikap maiangat ang sarili para maupo.

          “What? So…so hindi ka nag-overdose ng pills?” Inis na niyang pinahiran ang mga luha sa pisngi.

          “No.” Iling pa nito.

          “Oh, shit! Francis!” Inis na inis na tumalikod si Gery para sugurin si Francis sa labas.

          “Ahhhh!!!” Bubuksan na sana niya ang pinto ng gulantangin siya ng daing ni Rafael. Nang lingunin niya ito ay hawak-hawak na nito ang tiyan at namimilipit sa sakit.

          “What happen? A..ano? Tatawagin ko ba ang doctor?” Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakatakbo siya pabalik sa kama nito sa sobrang pag-aalala.

          “No, dito ka lang sa tabi ko,” Pilyong ngumiti si Raf at malambing siyang hinila sa bewang palapit sa katawan nito na sobrang ikinagulat niya. “Huwag ka ng magalit sa kanila, may. Plinano nila ‘tong lahat dahil gusto lang nila tayong lumigaya.”

          Isang malakas na hampas sa balikat ang natanggap nito sa sobrang inis ng dalaga.

          “Aray! Ano ba?”

          “Nakakainis ka talaga!” Asik niya dito na mas lalong nagpangiti sa binata.

          “Wala akong kinalaman sa planong ‘to ha! Nagulat na nga lang ako paggising ko umiiyak ka na dyan eh.”

          “Gustong-gusto mo naman!”

          “Oo naman, siyempre.” Kinikilig na tumawa si Rafael na napakaguwapo talaga sa paningin ni Gery.

          “Kahit kailan, isa’t kalahating gago ka talaga.” Hindi pa rin humuhupa ang inis niya sa kalokohang nagaganap.

          “Alam ko naman ‘yon, noon pa. Pero hindi ako gagawa ng isang bagay na makakapahamak sa sarili ko dahil gusto ko pagbalik mo, buo akong haharap sayo.”

          “Eh bakit ang drama ng iniwan mong voice message!” Parang batang sagot ng dalaga. Sumeryoso ang mukha ni Rafael at malambing na hinaplos ang pisngi niya.

          “Noon ‘yon, may. No’ng akala ko mabubuhay ulit ako nang wala ka. Hindi ko pala kaya. At hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay sa akin ni Nancy para hanapin ang tunay na kaligayahan ko. Ikaw ‘yon, may. At sobrang saya ko na pinakinggan ng Diyos ang dasal ko, you’re in my arms right now.”

          “Bakit naman hindi, niloko ako ni Francis eh.” Mabilis niyang sagot upang itago ang kaba lalo pa’t nanunuot ang bawat titig ni Rafael sa kanya.

          “That’s not what I want to hear from you. Bakit mo sinabing naniniwala ka na sa pagmamahal ko?” Wala nang choice si Gery kundi ang magseryoso at sagutin ang tanong nito.

          “I just read your letters. Pagdating ko nakita ko ang box sa kama. Kung hindi ka ba naman torpe, bakit nilihim mo pa ang tunay na nararamdaman mo noon, pareho lang pala tayo. Mahal mo na pala dati pa ang walking surf board na ‘to. Siguro ayoko ko lang maniwala dahil ginugupo ako ng mga insecurities ko at ng galit ko sayo. Pero ngayon, I’m so overwhelmed with so much love at walang magawa ang puso ko kundi ang maniwala sayo.” Naluha si Gery sa mahabang salaysay na ‘yon at ganundin si Rafael na agad pinunasan ang luha niya sa pisngi.

          “I love you always, may…Ikaw lang ang nag-iisang Mamay ko.”

          “I love you too Pay.”

          Napapikit siya nang masuyo siyang halikan ni Rafael sa labi. Tila may nagliparang paro-paro sa loob ng tiyan niya sa mga oras na iyon. Nagkangitian silang dalawa nang maghiwalay at tumatawang nagyakapan nang mahigpit.

          “Suot ko na, pay,”nakangiting pinakita ng dalaga ang hindi naibigay na singsing ng binata. Pure white gold iyon na may pendant na hugis puso. Agad napangiti si Rafael at malambing na hinawakan at kamay niya at dinala sa labi.

          “It’s really meant for you, may,” sagot ng binata.

          Alam na ni Gery sa mga oras na ‘yon na habambuhay na siyang liligaya sa piling ng kanyang bestfriend turned lover.

          Sabay na naghiwalay ang dalawa nang padabog na bumukas ang pinto ng silid at lumitaw ang muntik nang madapa na si Francis sa sahig na para bang magnanakaw na nahuli ng pulis. Pangiti-ngiti namang nakasunod si Sam at Yaya Marcy.

          “Opps…sorry to invade your privacy. Si Yaya Marcy kasi eh, ang lakas manulak, hanep na matanda!” Natatawang palusot ni Acis.

          “Ang mga salarin!” Tumatawang turan ni Gery na nakaakbay kay Rafael.

          “Nope! Hindi kami…sila!” Nakangiting sagot ni Sam at may itinuro sa labas ng pinto. Tumabi ang tatlo para makita ng dalawa ang sinasabi nito. Gayun na lang ang gulat at pagtataka sa mukha nina Gery at Rafael nang mapagsino ang mga taong nasa labas ng pinto. Parehong napakunot-noo at laglag ang mga panga.

          “Dad??”

          “Pa?!”

 

 
 
- THE END -
 
 
 
 
 
 
 
Chapter 8   Chapter 9   Chapter 10   Chapter 11   Chapter 12   Chapter 13 
 
 
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines

        

 
 
 
 
 
 
spam blocker 
All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.