Live and Let Die
by Kite Iris

Copyright: Live and Let Die © 2009 Your Story Haven. All Rights Reserved.
Cover Design and Layout by Shanry Roberts
OVERVIEW:
Isang mahusay na sniper si Lt. Lucrecia Rivera sa Special Force ng kapulisan na panabak kontra-terorismo, hostage taking, o anumang lumalalang sitwasyon na nangangailangan ng agarang aksiyon.
Sa kabila ng kahusayan sa pag-asinta, isang napakalaking pagkakamali ang kanyang nagawa sa una niyang misyon. Nagdulot iyon ng kasawian ni Virgil--dati niyang kasintahan na hindi niya magawang makalimutan at mapakawalan. Mula
noon, naging mapag-isa siyang tao at labis-labis ang pagsisisi sa kasalanang nagawa. Isa lang ang nakikita niyang paraan upang mapatawad ang sarili—ang ipaghiganti si Virgil.
Hindi inaasahan ang pagdating ni Vahn Miranda—isang elite businessman—sa kanyang buhay. Taglay nito ang kakisigan, yaman, at kahiwagaan. Mabilis itong nagpadama ng atraksiyon sa kanya at tapat na naghayag ng nararamdaman.
Magsisimula ba ang bagong pag-ibig? O, mas matindi pa rin ang panata na ipaghiganti si Virgil laban sa bodyguard na naka-itim at may maskarang ginto na siya dapat niyang target noong aksidenteng si Virgil ang nabaril niya?
(This novel is now available on e-book and hard copy only)
|