Your Story Haven
share your stories online
Hope Shardae Page      tuyasiempre11
Tuya Siempre
by Hope Shardae
 
 
 
Epilogue
 
 

Isang engrandeng kasalan ang naganap sa lugar nila. Hiniling muna niyang sa huwes muna ikasal. At habang hinihintay nila ang pagsilang ng kanilang munting anghel ay inihahanda naman nila ang kanilang church wedding. Hindi pumayag ang mag magulang nila na maging simple lang ang kasal nila, higit lalo si Shelley. Siya ang nalula sa mga gusto nitong mangyari.

“Jules, ang ganda-ganda mo naman!” Na-iinggit na sambit ni Shalmai. Ito ang maid of honor niya. Kasalukuyan nitong karga ang anak niya habang siya naman ay nagsisimula nang mangalay sa bigat ng gown niya. All she wanted to do now is took the vow nang matapos na ang kabang nararamdaman niya.

“Sabi ko naman sa ‘yo, sagutin mo na si Kristopher at nang makapagpakasal ka na rin.” Biro niya.

Mabilis pa sa alas-cuatrong nagsalubong ang mga kilay nito ng marinig ang pangalan ng binata. “Hoy, Juliette! Don’t say bad words.” Nanliligaw dito ang kaibigan ng asawa at alam niyang hindi rin malabong ang dalawang ito ang magkatuluyan. Kilala niya ang kaibigan kahit na nga sobrang taray nito ay tanging si Kristopher lang ang nakakapagpasunod dito ganon din naman ang binata.

            “Kunwari ka pa.”

            “Wow, Ate Jules! You’re stunning.” Tinig iyon ni Shelley. She was wearing a pink gown that made her look like a doll and this time wala itong kaangal-angal magsuot man ng normal na damit.

            “Thank you. At thank you din kasi kung hindi naman dahil sa’yo hindi ako magkakaroon ng ganitong kagandang wedding.”

            “You deserve this. I’m so happy, finally. Sabi nga pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. At sa hinaba-haba ng drama ninyo ng Kuya ko kayong dalawa pa rin sa huli. Sabi nga true love requires no words.” Ma-ingat siyang niyakap ito at binalingan ang pamangkin. “Ate Shalmai, pahiram muna ako kay Brianna ha. And we have five minutes to go. So kiss na ikaw kay Mommy, baby.”

            Humalik siya sa pisngi ng anak. At she readied herself.

            Iba pala talaga ang pakiramdam ng ikinakasal. Bakas ang paghanga sa mga mata ni Glenn habang pinagmamasdan siya. She was wearing a very elegant strapless gown. Flat ang neckline noon, fitted bodice and heavily layered with American tulle skirt. It was so simple yet so elegant. She opted a traditional wedding and a traditional motiff.

Buong pagmamahal siyang inihatid ng mga magulang sa altar. At nang tanggapin ni Glenn ang kanyang mga kamay ay napaluha siya. Now, with God as her witness she swear until her very last breathe that this is the man she would love until the rest of her life.

            “I love you.” Glenn mouthed to her and she smiled.

            “I love you more.” Panggagaya niya sa palaging sinasabi nito sa tuwing sasabihan niya ito ng I love you.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
Chapter 8   Chapter 9   Chapter 10   Epilogue
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 
 Books & Literature - Top Blogs Philippines
 
 
 
spam blocker
 
 All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.