Your Story Haven
A Romance Writer
Garnet Heart Page      diamondofsierraleone01
Print this pageAdd to Favorite
 
The Diamond of Sierra Leone
written by Garnet Heart
 
 
 an excerpt...
 

            Ibinaba ni Lenneth ang celphone sa mesa at humigop ng kape.  Katatawag lang ng mga taong binayaran niya para dukutin si Edward at sinabing parating na ang mga ito.  Inabangan daw nila itong lumabas ng bahay saka nila nilapitan at tinutukan ng baril.  Hindi raw nito sinubukang lumaban at tahimik na sumama.  Dahil siguro nalalaman nitong wala itong laban sa tatlong malalaking kalalakihan.

            Nangiti siyang ibinaba ang tasa.  Hindi naman sana niya gagawin iyon kung hindi ito masyadong mahirap kausapin.  Pagkatapos nitong tanggihan ang alok niyang one night stand ay sinubukan niya ang business approach, subalit ipinagwalang-bahala nito ang kanyang sulat at binilin pa sa receptionist na huwag siyang papasukin.  Bumili din siya ng kotse sa kompanya nito at bibigyan niya sana ito ng malaking bonus, subalit ibang tao ang ipinaharap nito sa kanya upang makipag-transact.  Ipinabalik din nito ang halagang idinagdag niya sa bayad.  Talagang ayaw nitong tumanggap ni anumang manggagaling sa kanya.  Matindi rin talaga ang prinsipyo nito.

            “Ate Lenneth!” Narinig niya si Rosy na tumatakbo papasok ng kusina. “Andyan na po sila.”

            Nilingon niya ito at ngumiti.  “Pakisabi sa kanila igapos nila yung mga kamay niya.  Susunod na ako.”

            Hindi kumilos si Rosy.  “Eh, ate?  Ano po bang gagawin niyo sa lalaking ‘yun?”

            “Tuturuan ko lang ng leksyon.”

            “Paano pag may dumating na pulis?”

            “Huwag kang mag-alala.  Pakakawalan ko rin agad.”  Tumayo siya at iniwan si Rosy na kinakagat ang daliri.  Aayusin muna niya ang kanyang sarili sa kuwarto bago niya harapin ang kanyang bihag.

            Hindi siya nagsuot ng bra kaya’t sa nipis ng suot niyang night dress ay litaw ang kanyang kaluluwa.  Para hindi mapanganga ang mga inutusan niya ay nagpaibabaw siya ng roba.

            Pagpasok niya ng basement ay nakita niya agad si Edward na nakaupo sa sofa at nakaposas ang mga kamay sa likuran nito.  Kaharap nito ang isa sa mga lalaking inutusan niyang dumukot dito, at ang dalawa’y nakatayo sa exit door, nagmamasid sa labas.

            “Sino nga ang nag-utos sa inyo?”  nadatnan niyang tinatanong nito sa lalaking nakatayo sa tapat ng upuan.  Kahit nilapastangan ay mahinahon pa rin ang pananalita nito.  “At ano’ng kailangan niyo sa akin?”

            “Ako?” buong pagmamalaki niyang sagot.  Naglingunan ang lahat sa kanya.

            Kumunot ang noo ni Edward.  Ilang sandali itong hindi nakapagsalita.  “Ikaw na naman!” naibulalas nito.

            “Yes, it’s me,” nangungutya niyang tugon at umupo sa katapat nitong single couch.  “Nagulat ka?”

            “Talagang sira ulo ka na nga ano?”  Pinilit kumawala ni Edward subalit hindi nito kinayang baliin ang makapal na bakal na nagbigkis sa mga kamay nito.  “Dalhin niyo nga sa mental hospital itong amo niyong ito.  Matindi na palang sira nito sa tuktok eh.”

            Nangiti siyang tumingin sa mga kalalakihan.  “Puwede niyo na kaming iwanan.  Salamat.”

            Tumango ang tatlo at sunud-sunod na lumabas ng basement.  Binigay na niya ang tseke sa lider ng mga itong si Omar kaya’t wala na siyang obligasyon.  Nang magsara ang pinto at tahimik na ang paligid ay muli siyang tumingin kay Edward.

            “Ano bang kalokohan ito?  Hindi mo ba alam na puwede kitang idemanda sa ginagawa mo?”

            “Di gawin mo,” matapang niyang sagot.  “Kung kaya mo.  Kaso mahirap ka pa sa daga eh.  Ako kayang-kaya kong tapalan ng pera kung sinumang judge ‘yan.  Kotse nga ‘di ka makabili-bili, pambayad pa kaya sa abogado.”

            “Ganun?  Kaya malakas ang loob mong ipadukot ako?”

            “Korek!  Ayaw mong makuha sa santuhan, eh di sa paspasan.”

            “Hoy, kahit na mahirap ako, malinis ang ikinabubuhay ko.”

            Gumulong ang kanyang mga mata.  “Puro ka prinsipyo.  ‘Yung kompanya mo, bankrupt na.  Anlaki-laki ng building mo, wala namang laman.  Kung tinanggap mo sana ‘yung alok kong five million, di malaking tulong sana ‘yun.”

            “Hindi ko binebenta ang dangal ko.”

            “Ano ka?  Virgin?”

            Piniin ni Edward ang mga labi sa inis.  “Makawala lang ako dito sasakalin na kita!”

            “Kung kaya mo.”

          Nang hindi umimik si Edward ay ngumiti siya at tumayo.  Sa harapan nito ay dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang roba.  Buong pagmamalaki niyang iniladlad ang kanyang alindog.  Sa nipis ng night dress ay nababakat ang hubog ng kanyang dibdib at siguradong naaninag din nito na isang pirasong pang-ilalim lamang ang kanyang suot.  Nangiti siya nang makitang halos lumunok itong nakatingin sa kanya.  Tinablan din ito sa wakas.

            Iniwan niya ang roba sa binakantehan niyang upuan at marahang umupo sa tabi nito.  Nakita niya ang namumuong pawis sa noo nito.  Lalo siyang nangiti at idinikit pa niya ang katawan dito, saka niya ito hinaplos sa buhok.

            “Akala ko ba ‘di ka tinatablan?” kutya niya dito.

            “Lumayo ka nga!”  Umurong ito palayo hanggang sa nabitawan niya ang ulo nito.  “Patayin pa ako ng asawa mo.”

            “Correction, hindi ko siya asawa.  Kabit niya ako, okay?”

            Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Edward.  “Pinagmalaki mo pa.”

            “Ano pa bang magagawa ko?  Alam naman na ng lahat.”

            “Lenneth, puwede ba?  Late na ako sa trabaho.  Kalagan mo na ako at kakalimutan ko itong ginawa mong ito.”

            “Agad?  Tigdadalawampung libo ang binayad ko sa tatlong ‘yun tapos ganun lang?  Mag-usap muna tayo ano?”

            “Umpisahan mo na.”

            Ngumiti siya at tinitigan niya ito ng mapang-akit.  “Alam mo naman na ang gusto ko.”

            “Hindi nga ako interesado.”

            “Sige… ganito.”  Umupo siya ng tuwid para harapin ito.  “Babayaran ko ng buo ang sanla ng kompanya mo sa bangko, kapalit ng… service mo.”

            Tulalang nakatingin sa kanya si Edward.  Mukhang hindi na siya nito matatanggihan.  Ngumiti siya sa pag-aakalang nagtagumpay din siya sa wakas, nang bigla itong  bumulalas.  “Baliw!”

            Napapikit siya ng matalsikan ng laway ang kanyang mukha.  Gamit ang palad ay pinunasan niya iyon at ibinalik ang kahinahunan.  “Ayaw mo pa rin?”

            “Sira ulo ka ba?  Alam mo ba kung magkano ang utang ko sa bangko?”

            “I don’t care! Kayang-kaya kong bayaran ‘yun.”

            “You badly need a treatment, Lenneth!”

            “Sa talagang nababaliw ako sa’yo eh!”

            “Sinabi ko na!  Ayaw kong makisawsaw sa’yo!”

            “ Aba!”  Hindi na nakapagtimpi si Lenneth.  Mabilis niyang hinawakan ang ulo nito at idiniin ang kanyang mga labi sa bibig nito.

            Nagpumiglas si Edward.  Para itong mabangis na hayop na nakikipaglaban para mabuhay.  Masyado itong malakas para makontrol niya, hanggang nabitiwan niya ito at naghiwalay ang kanilang mga labi.

            “Crazy!” anas nito na humihingal sa inis.

            “Masarap ang sawsawan ng Hapon, ‘di ba?” aniya at muli niya itong hinalikan.  Nagpumiglas itong muli ngunit hindi na niya binitiwan hanggang sa mapahiga ito sa sofa at pumaibabaw siya sa katawan nito.

            Batid niyang nandidiri ito sa kanya, kaya’t nais niyang lalo pa itong mandiri sa kanya hanggang sa isuka nito ang lahat ng nilalaman ng sikmura.  Subalit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.  Bigla itong nanahimik at hindi na lumaban, at ilang sandali lamang, bumukas ang mga labi nito at tinugunan ang kanyang halik.

            Napadilat siya.  Hindi niya kailanman inasahan ang ganoong pakiramdam.  Napakainit ng mga labi nito na handa niyang isugal ang lahat huwag lang siyang iwanan ng kaaya-ayang init na iyon.  Hindi niya inakalang ang halik ng lalaking ito ang siyang makakapagpahina sa kanya.

            Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata.  Napaungol si Edward at naging mas agresibo ang halik nito, subalit nanatiling banayad.  Nang sandaling iyon ay para bang hindi ito ang lalaking nandidiri sa kanya.

            “Hold me tighter, Lenneth,” ibinulong nito na hindi binibitiwan ang kanyang mga labi.  “Press your body against me!”

            Para siyang nasa ilalim ng sumpang sumunod sa utos nito.  Pinalibot niya ang mga braso sa likuran nito para yakapin ito ng mahigpit.  Nadiin ang kanyang dibdib sa matigas nitong katawan.  Nang muli itong umungol ay nasigurado niyang tama ang kanyang ginagawa.  Napangiti siya’t napaniwala ang sariling kaya pala niyang bihagin kahit ang mailap na lalaking ito.

            Gumalaw ito sa ilalim niya, pilit pang pinaglalapit ang kanilang katawan, nakaposas man ang mga kamay nito sa likuran.  Naramdaman niya ang paggalaw ng ibabang bahagi ng mga paa nito subalit tanging ang init ng halik lamang nito ang pinagtuunan niya ng pansin.  Nang bigla nitong pinatid ang isa niyang paa at bumigay ang kanyang mga tuhod na sumusuporta sa kanyang balakang.  Bumagsak siya sa pagitan ng mga hita nito.

            Napamulagat siya nang makaramdam ng isang matigas na bagay sa kanyang puson.  Parang may pulso iyon.  Panandalian siyang napaisip, hanggang sa napagtanto niya kung ano iyon at mabilis na bumangon at lumayo sa dulo ng mahabang sofa.  Nang makarecover siya sa pagkabigla ay nakita niya itong nagtatakang nakatingin sa kanya.

            Sarkastiko siyang ngumiti para hindi nito mahalata ang kaignorantehan niya sa bagay na iyon.  “Ano?  Masarap ang bagoong, ‘di ba?”

            Hindi ito umimik at marahang bumangon, na parang walang balak makipagtalo sa kanya.

            “Akala ko ba hindi ka titigasan?  Ayan oh.”  Tumango siya sa pagitan ng mga hita nito.  Napalunok siya sa nakitang laki ng bukol doon, subalit hindi siya nagpahalata.  “Ang laki ah.”

            “Sira ulo,” anito at sinubukan uling kalagan ang sarili.  “Now you’ve proven your point.  Puwede tanggalin mo na itong posas ko?”

            “Fine,” aniya at tumayo.  Kinuha niya ang nakasabit na susi sa dingding at bumalik sa kinauupuan nito.  “Tumalikod ka.”

            Walang imik nitong sinunod ang kanyang utos.  Hinawakan niya ang kamay nito at sinusihan ang posas.

            “Ayan, malaya ka na.” Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon ng maluwag.  “Binibigyan na nga kita ng pera, ayaw mo, di huwag!”

            Itinapon ni Edward ang mabigat na posas at  minasahe ang namulang galang-galangan.  Nakaginhawa rin ito ng husto.  “Iyo na ‘yang pera mo,” sagot nito at tumayo.  “Buti sana kung pinaghirapan mo ‘yan.”

            Pinagulong niya ang mga matang sumandal sa dingding.  Nang muli niya itong tignan ay nagtaka siya kung bakit nito tina-tuckout ang polo.  Nang hilain nito pababa ang damit ay naunawaan din niya.  Nais lang pala nitong takpan ang bukol sa pagitan ng mga hita nito.  “Hindi na sana ‘yan lumambot hanggang sa opisina.  Tignan lang natin kung ‘di ka pagtawanan.”

            Tinignan siya nito ng matalim at tinungo ang pinto.  Akmang lalabas na ito nang bigla itong huminto at huminga ng malalim.

            “O, bakit?”

            Lumapit ito sa kanya.  “Pahingi ng condom.  Pagbibigyan kita.  Walang bayad.  Libre.”

            Napamulagat si Lenneth at ilang sandaling hindi nakapagsalita.  “Ano ka!” halos naisigaw niya at naramdaman niya ang biglang panginginig ng kanyang mga tuhod, lalo na’t napakalapit nito sa kanya.  “Aanhin ko namang magtago ng condom?”

            “Di ba gusto mo ng serbisyo ko?  Pumapayag na ako, basta bigyan mo lang ako ng condom.  Libre pa.”

            “Che!  Wala akong condom!  Bumili ka kung gusto mo!”

            Tinitigan siya nito sandali, at saka huminga ng malalim.  “Di bale na.  Kamayin ko na lang hanggang makaraos ako.  Baka mahawa pa ako sa sakit ng mga nagsasawsawan sa’yo.”

            Namula ang kanyang mga tenga sa pang-iinsulto nito.  “Salbahe ka talaga!” anas niya at naghagilap ng anumang maibabato.  Nang makita nitong nahawakan niya ang nakasabit na wall clock ay mabilis itong lumabas at isinara ang pinto.  Doon tumama ang orasan na nawasak sa ilang piraso.

 
 
FOR ONLY P30.00, YOU WILL BE SENT A COPY OF THIS E-BOOK ON YOUR EMAIL WITHIN 24 HOURS.  Thank you for patronizing Your Story Haven!