Your Story Haven
share your stories online
Aria's Page      indescentproposal00
Indecent Proposal
by Aria
 
 
Prologue
 
 
 

“For Pete’s sake Demetria, will you stop this non-sense?!”

Dumadagundong ang boses ni Don Jose Montareal.

“Non-sense?  Non-sense lang ba para sa iyo ang pagsisintimiyento ko Jose?! Sinasaktan mo na ako’t lahat tapos tatawagin mo lang ng non-sense ang usapang ito!” galit ding wika ni Doña Demetria, ang asawa ni Don Jose, na siya namang may-ari ng buong Montareal Businesses and Co.

“Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa ‘yo na hindi kita niloloko. Alam mo nang magpakasal ako sa ‘yo kung gaano kita kamahal. At hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinong babae.” Wari’y nahahapong wika ni Don Jose. Pagod na pagod na siya sa pagtatalong ito. Hindi na niya maintindihan kung anong nangyari sa kanilang mag-asawa.

 “Sinungaling! Kung hindi mo nga kalaguyo ang babaeng ‘yon bakit ganun na lang ang ginawa mong pagtulong sa kanya?”

“Hindi ko kalaguyo si Jasmene!” namumula na sa galit na wika ni Don Jose.

“Huwag ka nang magkaila Jose. Kitang-kita ng dalwang mata ko kung paano kayo maglampungan ng haliparot na iyon! Doon pa man din sa isang pampublikong lugar! Hindi na kayo nahiya! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!”

“Pakinggan mo nga ang sarili mo Demi. Para kang hindi isang edukadong tao kung magsalita.” Turing ni Don Jose na pilit nagpapakahinahon.

“Ako pa ngayon ang walang edukasyon. Samantalang kayo ng babae mo ang mga walang modo!”

Don Jose heaved a sigh of exasperation. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa ngunit minsan hindi niya makayanan ang katigasan ng ulo nito at pagiging selosa.

“Wala kaming ginagawa ni Jasmene, Demetria. She’s my executive assistant for the love of God. Sinabi ko na sa ‘yo hindi ba, na noong makita mo kami kanina ay may nakatakda kaming luncheon meeting with the Buencamino Telecommunications. Nagkataong kinansela ni Godofredo ang meeting namin.”

“Isa pa iyan, bakit bigla mo na lang pinalitan ang pamangkin mong si Menchi bilang EA mo? For God’s sake Jose, you choose that lowlife whore over your decent niece. Ni hindi ko nga akalaing tatanggapin mo siya bilang sekretarya, considering her past. Alam mo bang para siyang isang bubble gum na pinagpasa-pasahan ng kung sinu-sinong lalaki sa istasyon natin? That woman is positively shameless!

Damn it! Damn it! Magmula nang pumasok siya bilang sekretarya mo nagkagulo-gulo na ang buhay natin. Tapos malalaman ko na lang na siya na ang executive assistant mo, gayong isang mahigit dalawang buwan mo pa lang siyang naging empleyado. All of a sudden you replaced Menchi, your niece, who had practically served you all her life! Tell me Jose, what is it about her service that you couldn’t possibly bear being away from her?”

 “Tumigil ka na Demetria.” Mahina ngunit nagbabantang wika niya. Halos tatlumpong minuto na siyang nagtitimpi at hindi na niya nagugustuhan ang tinutumbok ng asawa.

God knows how she loved the woman. From the moment he laid his eyes on her thirty years ago. Kailanman, hindi nabawasan ang pagmamahal na iyon. Rather, his love for his wife grew stronger, deeper despite their differences and constant squabbles. They made it through the hardest and lowest times of their journey. Hindi niya akalaing sa mahigit tatlumpong taon nilang pagsasama, ngayon pa sila magkakalabuang dalawa.

He doesn’t want to lose her and everything they’ve shared for such a petty quarrel. But Demetria could be adamant and thickheaded when she wanted to. Dahil sa pagseselos nito, he can’t get one sensible thing through her head. Nauubusan na siya ng pasensya.

“Hindi ako titigil—

“Mama please, tama na. Nakakahiya na sa mga kasambahay natin.” Umiiyak na pakiusap ni Alexandra sa kanyang ina.

“Huwag kang makialam dito Xandra.”

“Tama si Xandra Demi, tigilan na natin ito. Wala rin na namang patutunguhan ang usapang ito sapagkat sarado na iyang utak mo sa pang-unawa.” aniyang hinagud-hagod ang batok. All of a sudden he felt older than his age.

“Huwag kang umiwas Jose. Hindi pa tayo tapos.”

“Ano pa ba’ng gusto mong marinig? Sinabi ko na sa iyo ang panig ko, hindi ba?”

“Ang gusto ko ay umamin ka. How could you do this to me? After the love and sacrifices I made for you. N’ong magkapira-piraso ang buhay mo dahil sa ambisyosyang si Sophia, ako ang bumuo sa ‘yo. When your son lost a mother I mothered him. Tinanggap ko kayong dalawa ng buong puso at ibinigay ang lahat. I gave you another chance at life Jose, I gave you a daughter and this is what I get as a payback?!”

“Don’t talk as if you were the only one who did the loving Demi. At huwag mong isumbat lahat ng ginawa mo para sa akin dahil sinuklian ko ang lahat ng iyon. I have loved you, I always will and you know that. At least I thought you knew. My God Demetria, after thirty years of being together, you’re accusing me of not loving you, of being unfaithful to you?!” he asked her incredulously.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang living room ng kanilang mansion.

“Kung gusto mong maniwala ako sa’yo, tanggalin mo sa kompanya ang babaeng iyon.” Pagkuwan ay hamon sa kanya ng asawa.

“Hindi ko pwedeng gawin ang sinasabi mo Demi. Kailangan ni Jasmine ang trabaho niya. Higit niyang kailangan ang trabahong iyon kaysa kay Menchi. At kung efficiency rin lang ang pag-uusapan, Jasmene is far more reliable than Menchi. I’ve been putting up with Menchi’s intolerable behavior for such a long time. Hindi ko na siya kayang intindihin. You have to understand that Jasmine’s but one of the people I’m extending my help to. I’m fond of her but not in the way you think Demi. The kid reminds me so much of myself when I was her age.”

“So, ang ibig sabihin you’re choosing that whore over me, is that it?” nang-aakusang wika ni Demetria.

Pinagmasdan ni Don Jose Montareal ang kabiyak. Ito pa rin ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. Kahit unti-unti nang binabawi ng panahon ang kagandahan nito. Kailanman, hinding-hindi niya pagsasawaang pagmasdan ang perpektong mukha ng asawa—her aristocratic nose, her eyes that are as black as the night, her flawless skin and her thin lips. And neither would he ever forget the way she lifts him up when she smiles, the way she pouts despite her age or how her eyes flare in anger. Demetria would pass for the queen of Spain.

Ayaw niyang isiping sumusuko na siya. He couldn’t fail Demetria and his children, but he was tired as hell. Hunching his shoulders in defeat, he turned and walked towards the door.

“Where are you going Jose? Don’t you dare turn your back on me!”

Ngunit parang wala siyang narinig. Nagtuloy-tuloy siya hanggang marating ang foyer ng kanilang malaking tahanan. Binuksan ng kanyang bodyguard ang double-leaf Oakwood door nang makita nitong tinutumbok niya ang pintuan.

“Come back here Jose!” makapangyarihang utos sa kanya ng asawa.

“Papa please, huwag kayong umalis. Please reconsider. Don’t give up on mother ‘Pa...” nagmamakaawang wika ni Xandra. Iniharang nito ang sarili sa kanyang daraanan.

“Hindi ko na talaga kayang unawain ang iyong ina Xandra. Hindi ko na kayang tanggapin ang kanyang mga groundless accusations.”

“Papa...” Lumluhang sambit ni Xandra. Ang mahal niyang anak ang naging saksi sa unti-unting pagguho nilang mag-asawa.

“Don’t give us up, Papa. Please...” anitong niyakap siya.

“I’m not giving up hija. I guess I just need space and so does your mother.”

Kinalas niya ang pagkakayakap ng anak at buong pagmamahal niyang kinintalan ng halik sa noo.

“Be strong hija. Kailangan ka ng mama mo. I need you to be her rock hangga’t hindi pa nakakauwi ang kapatid mo. Don’t worry maaayos din ang problemang ito. For now, the best option is for me to leave. Please understand hija. Huwag kang umiyak. Hindi katangian ng isang Montareal ang iyakin.” Aniyang pinahid ang namimilisbis na luha ni Xandra.

Tuluyan na niya itong binitiwan at tinungo ang pinto. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Latag na ang kadiliman at sindilim ng gabi ang pakiramdam ni Don Jose. Bumuba siya sa linoleum-tiled portico at sumenyas sa kanyang chief security na sila’y aalis na.

Lumulan siya sa kanyang itim na Mercedez Benz at muling sinulyapan ang kanyang tahanan. Nakatayo sa bunganga ng pinto ang kanyang asawa, nakatingin sa kanya. Para talaga itong isang reyna. Sa kabila ng mga nangyari kanina taas noo pa rin itong nakatayo. Walang bahid ng pagkatalo ang mukha ni Demi. Hindi niya iniwan ng tingin ang kanilang munting kastilyo. Magnificent. Towering. But he could no longer feel the comfort the house once offered.

“Mahal kita Demetria.” Huling inusal niya bago tuluyang nakalabas ng compound ang kanyang convoy.

Beverly Hills, California

“Good morning sir. You’re breakfast is ready.”

“No thanks, Carmen. I have a meeting at 8 and I’m already late.” Nagmamadaling wika ni Alexander Montareal.

At the age of thirty-one, he’s already as successful as his father. Well, not quite. But he made it to the top without the Montareal name as his pass.

“Go, get my car keys Carmen.” Utos niya sa kanyang Latinang housekeeper.

He briskly crossed the living room and opened the door of his miniature library.

“Shit! Where are those doc---Carmen!” he yelled. “Where are my documents?!”

Apparently, Carmen already finished cleaning his table and had put away the documents he had labored with last night. Alex rummaged the top drawer full of papers and folders and immediately found what he sought.

“What is i-it...sir?” Humahangos na wika ng kanyang katulong.

“Nothing.” He glanced at his watch. Damn. Thirty minutes late and ticking. Parker would surely strangle him when he arrives.

“Do you have my car keys?” Aniyang inilahad ang isang palad.

“Uh...p-pardon me sir?” tulirong tanong sa kanya ni Carmen.

“Goddammit Carmen, are you deaf?! I told you to fetch my car key. Now where is it?!” bulyaw niya.

“I-im terribly sorry sir. I was looking for your keys when you called and---.”

“Then go and find it! You’re wasting my time.”

Hindi naman talaga niya ugali ang mambulyaw. Kaya lang, it seemed that he woke up on the wrong side of the bed only to find out that he had overslept. Nasira na ang mood niya para sa araw na iyon. Hihingi na lamang siya ng paumanhin sa katulong kapag hindi na umuusok ang bumbunan niya.

“Where’s my key?!” muling pang-aapura niya kay Carmen habang hinahagilap ang control ng kanyang six-car garage.

“Here it is sir.”

Hinablot niya kay Carmen ang susi ng kanyang red convertible Ferrari at lumulan na sa kanyang paboritong sasakyan.

“Hurry up, you worthless piece of shit!” Kastigo niya sa kanyang garage door na pakiwari niya’y isang oras ng bumubukas.

Pinaharurot ni Alex ang kanyang pulang Ferrari palabas ng kanyang estate. His house is situated at Crescent Drive-- a row of Greek revival manors several miles from the main thoroughfare of Beverly Hills.

Kinabit muna niya ang kanyang earpiece bago idinayal ang numero ni Parker.

“Where the hell are you?!” Bungad ni Parker sa kanya. Halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng boses nito.

“Chill bro. Huwag ka nang magalit. I’m on my way.”

“Kanina pa ako dito. Namuti na’ng mga mata ko kahihintay sa ‘yo.”

“Geez Parker, huwag ka ngang eksaherado. You sound like an upset girlfriend.”

“Call me whatever you want. But I’m telling you Lex, be here in fifteen minutes or pay my bills.” Lumabas din ang totoong dahilan ng pagmamarakulyo nito.

“I haven’t lost my marbles yet, amigo. Under no circumstances will I ever pay your bills. No way, considering how gluttonous you can get.” biro niya rito.

“I’m not fooling Alexander. Be here in fifteen minutes or pay my bills.”

Iyon lang at tinapos na ni Parker ang diskusyon nila. Iiling-iling na ibinalik ni Alex ang cellphone sa kanyang breastpockect.

Parang bulang biglang naglaho ang init ng ulo niya. Sa tuwing nagkakausap sila ni Parker o kahit maalala man lang niya ang kaibigan, hindi niya mapigilang mapangiti. Sa tuwina'y pampalubag loob niya ang kaibigan. Parker Bustamante, his best buddy since time immemorial. Sa unang tingin masasabi ng kahit na sino na para silang dalawang salitang magkasingsalungat na pinagsama sa iisang pangungusap. Parker, the grizzly bearm, short, pudgy, hairy, and an overweight. Kahit na ito pa ang second-in-command niya sa advertising agency na magkasama nilang itinayo, mas mukha itong eccentric artist kung manamit. Wala din itong angst sa buhay at ang tanging kaligayahan ay ang makakain ng pitong beses sa isang araw, at least.

Siya naman ang over-driven, overworked, highly ambitious son of Don Jose Montareal. Wala siyang ibang naging misyon sa buhay kundi patunayang kaya niyang mag-isa. At the young age of 18, he left the Philippines to fulfill his destiny. He knew, from the moment he touched his first video recorder that he was born to create films. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Cinema and Television Production sa Columbia College. Nang matapos niya ang kanyang M.F.A. degree sa kursong Film and Video Production sa Film Studies Division ng Unibersidad ng Utah, he took the risk of venturing into Hollywood’s film industry. Because he was then a greenhorn and because of Hollywood’s steep competition, he learned his first lesson in failing. Ngunit likas yata siyang nagmana sa kanyang ama. Undaunted by the series of failures, he finally succeeded in putting up his own advertising agency. Together with Parker he gambled high hopes and stupendous amount of money to put up an advertising agency. From their humble beginnings, the agency grew into a major advertising agency. Alam niyang lumihis siya sa kanyang tadhana. But the AP Advertising Agency was the realization of his dreams. And he was more than proud of it, proud to be like his father whose beginnings were even humbler.

At the thought of his family, a faint smile curved his lips. Isang linggo na lang, makakabalik na rin siya sa Pilipinas. After 13 years of being away from home, he was finally coming back. And he will stay for good.

Napatunayan na niya ang dapat niyang patunayan. Panahon na para harapin niya ang kanyang obligasyon sa pamilya Montareal. Unti-unti nang ililipat sa kanya ni Don Jose ang pamamahala sa buong Montareal Businesses and Co. Wala naman siyang dapat ikabahala hinggil sa maiiwan niyang negosyo dito sa Hollywood. Naririyan si Parker bilang Officer-in-Charge niya. He had already given Parker the full control of the agency. Lubos ang tiwala niya rito.

Ang nakatakda nilang meeting ngayon ay para sa finalization ng proposal na ihahain nila sa bidding ng Silver Pictures sa makalawa. The monopoly of the entire Silver Picture’s promotions and advertisements will be our gold mine my friend, naalala niyang sabi ni Parker.

His train of thoughts was shattered by the incessant ringing of his cellular phone. Napakunot-noo siya nang makitang si Xandra ang tumatawag. Why could she be calling him? Gabi na ngayon sa Pilipinas.

"Hello, Xandra napatawag ka?"

"Kuya...umawi ka na rito p-please." sumisigok na wika ni Xandra sa kabilang linya.

Natapakan ni Alex ng wala sa oras ang preno nang mapagtantong umiiyak ang kapatid.

"Kuya tulungan mo ako. H-hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Damn it Xandra! Nininerbiyos na ako sa 'yo, ano bang problema?" kinakabahang tanong niya sa kapatid.

"Kuya...s-sina mama at papa--'

"Anong nangyari kina mama at papa?"

"Papa left our mother. Umalis na siya. Hindi ko alam kung babalik pa si Papa. Kuya anong gagawin ko? Tulungan mo ako, umuwi ka na dito."

Hindi agad nakapagsalita si Alex. Ayaw niyang paniwalaan ang mga ideyang rumerihistro sa kanyang utak. All of a sudden, his perfect world turned upside down. Hindi maaari! Hiyaw ng utak niya. Alam niya kung gaano kalaki ang pagmamahal ng mga magulang niya sa isa't-isa.

"Anong nangyari? Kailan umalis si Papa?"

"Kanina lang umalis si Papa. Umuwi ka na. Let's save our parent's marriage." pakiusap nito sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Bukas na bukas ay uuwi na ako.” nanghihinang wika ni Alex.

Matapos aluin ang kapatid, muli niyang tinawagan si Parker.

"Tell me you're just shittin' me, Lex! You can't leave now. You know you can't." Asar na asar si Parker nang sabihin niyang uuwi siya ng mas maaga.

"My family is falling apart, damn it Parker! Pang-unawa lang naman ang hinihingi ko sa ‘yo."

Hindi sumagot si Parker.

"I'm sorry bro..Nabigla lang ako. Hindi mo naman siguro ako masisisi kung ganito ang maging reaksiyon ko. Abot-kamay na natin ang Silver Pictures. We’ve worked on this for three years. Tapos ngayon konting-konti na lang, mabubulilyaso pa."

"Wala namang rason para mabulilyaso ang mga plano natin, hindi ba Parker?"

"Wala nang biruan ito Alex. To be honest, I’m not sure if I could fill your shoes. But you know me, handa akong gawin ang lahat para sa responsibilidad na iniatang mo sa akin. But I cannot guarantee the Silver Picture's Promotions Lex. Not when half of the major ad agencies in Hollywood wanted it as much as we do. Not without you."

"I know you well enough bro. Alam na alam kong hindi mo ako bibiguin. Don't prove me wrong Parker."

"Shit, don’t you dare do thi--." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. He heard Parker’s sharp sigh. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hinahamon niya ito.

"Ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kalagayan ko ngayon bro. Ayoko rin namang iwan ng walang kasiguruhan ang Silver Pictures Proposal. But right now, my family is on top of everything else.”

“Naiintindihan ko. Makakaasa kang walang ibang makakabingwit ng Silver Pictures. Sana maayos agad ang gusot ng pamilya mo. Good luck na lang.”

“Maraming salamat.”

Hindi siya makakapayag na mauwi sa trahedya ang halos tatlumpong-taong pagsasama ng kanyang mga magulang. He will do everything to repair the injuries.

Everything. No matter what it cost!

 
 
 
 
 
 
 
 
 
In Cooperation with:
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  
    
  
 Books & Literature - Top Blogs Philippines
 
 
 
spam blocker 
 
All contents of this site are copyrighted by the authors/owners or Your Story Haven Team.  Publication for any commercial purposes, whether whole or partial, is prohibited and punishable by law.  Please contact editor@yourstoryhaven.com for any inquiries.